Chapter XLIX

627 6 3
                                    

#LITHCMgaPaliwanag

ΠShaneΠ

"Dito na lang po kuya," Sabi ni Mike kay manong driver, "Ito po 'yung bayad." Iniabot ni Mike ang Php150 kay manong driver at lumabas na kami dito.

Nang nakaalis ang taxi agad namang sinira ni Marco ang katahimikan, "oh? Andito na tayo? Ano pang hinihintay natin? Tara na pasok na!" Sabi ni Marco tapos pupunta na sana siya sa pinto ng bahay nila Joey, mabuti na lang at nahawakan niya ang braso nito, "bakit ba? 'Di ba dito tayo?"

"Mag-hinay-hinay ka nga muna Marco! Aantayin muna natin sila Kimberly at Abigail dito bago tayo pumasok doon." Teka? Parang may mali sa sinabi ko? Hala!

"Sandali? May parang sinabi ka... A-Abigail? Ayun! Oo Abigail!" Napalingon pa siya sa kaliwa pagkatapos tumingin siya sa akin na nagtataka, "sinong Abigail, S-Shane?"

Pagkatapos nyang tanungin 'yan biglang nagkaliwanag sa amin. Isang kotse lang pala akala ko kung ano na.

"Andito na pala sila." Oo nga pala, kotse 'to ni Kimberly na bago lang.

"Hey!" Agad na bati ni Kimberly. Napatingin ako sa likod ni Kimberly at lumabas nga si Abigail.

"L-Lara?" Tawag ni Marco sa pangalan ni Lara na patanong, "bakit nandito ka? Anong ginagawa mo dito?"

"Siya si Abigail, Marco," diretso kong sabi sa kanya, "si Lara ay si Abigail. Dahil ang kaluluwa ni Abigail ay nasa katawan ni Lara." Blanko pa din ang mukha ni Marco, halatang hindi nya naintindihan.

"Ano?!" Malakas na pagkakatanong nya.

"Marco, sorry." Nagulat kami nang lumuhod si Abigail.

"Uy! Lara! Bakit ka lumuluhod. Tumayo ka nga dyan." Tinatayo niya si Abigail kaso hindi tumatayo si Abigail.

Kaya umiling si Abigail, "hindi Marco. Nanghihingi ako ng tawad sa iyo, alam kong malaki din ang kasalanan ko sa'yo kaya sana patawarin mo din ako." Yumuko si Abigail at kita kong may luha na sa mata nya.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon