#LITHCSapi
Abala kami ni Marco sa pagsusuot para pumasok na sa trabaho, tapos na din 'yung problema nong isang araw at hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita ang sinasabi ng babae sa akin na demonyo.
"Hindi talaga ako makapaniwala na ano.. 'Yung nangyari sa babae noong isang araw, grabe talaga! Punta kaya tayo sa puntod niya." Sabi ni Marco habang nag-aayos ng gamit niya.
"Kaso, gabi na tayo uuwi." Sagot ko naman.
"Pwede naman 'yun e, sige 'wag na lang hindi naman natin kamag-anak 'yon. Pagdasal na lang natin 'yung kanyang pamilya at pati siya para maging mabuti ang kanyang magiging lagay." Tumango na lang ako sa kanya.
Pagkatapos naming mag-ayos lumabas na kaming dalawa ng unit. Nakasalubong namin si Mike sa elevator. Actually kaming tatlo lang ang nandirito sa elevator.
"Hi Shane!" Bati ni Mike saka niya hinawakan ang balikat ko at ngumiti.
"Uhm.. H-Hello." Nagulat ako na inalis ni Marco ng matigas ang kamay ni Mike. Lumingon ako sa kanya at sinamaan ng tingin.
"Ano bang problema mo pre ha?!" Angas na tanong ni Mike kay Marco.
"Hep! Hep! Hep! Baka mag-away kayo!" Inawat ko silang dalawa. Kasi si Marco parang gustong suntukin si Mike at ang angas ng tingin niya kay Mike.
"Wow Shane ha! Ang haba ng hair mo! Dalawang lalaking gwapo ang naglalaban para sa'yo! Si Magic Mike at si Marcus Kang!" Napatingin ako sa salamin na nasa harapan namin dahil nandoon siya. Grabe naman si Abigail nang-aasar siya. Hindi ako kinikilig kay Marco kay Mike ako kinikilig.
"Hala! White Lady!" Tinuro ni Mike sa salamin si Abigail. Wait? Nakakakita siya ng multo?
Hindi ko alam na napayakap siya sa akin. Takot na takot siya at nginig na nginig habang yakap-yakap niya ko.
"Wala namang white lady ah! Hay naku! Nakakatawa ka pala kapag natatakot! Mukha kang unggoy!" Ngumisi si Marco ng paasar.
"Ikaw kaya makakita ng white lady hindi ka matatakot?" Tumingin ulit siya sa salamin, "wala na 'yung white lady." Umalis na siya sa pagkakayakap niya sa'kin.
Nang nagbukas na ang elevator ay agad kaming naghiwalay. Kami ni Marco at magkasama at si Mike ay nauna na sa amin. Natakot yata siya kay Abby.
"Sorry Shane! Hindi ko alam na makikita niya ako." Malungkot na pagkakasabi niya.
Comment ko na lang sa kanya ay okay sign para naman hindi masyado magtaka si Marco na may kausap akong multo. Ngumiti siya sa akin at naglaho.
"Uhmm. Shane. Sasama ka ba sa napagkasunduan natin lahat na magpunta sa Batangas upang mag-bondingan. Sa beach naman 'yun e kaya safe naman. Ako kasi sasama. Sama ka na din!" Pagpipilit niya sa akin.
"Sige. Kailan ba 'yan?"
"Bukas."
"Bukas?!" Gulat kong tanong sa kanya.
ΠAbigailΠ
"Hay! Nakakaguilty talaga na hindi pinansin ni Mike si Shane dahil natakot siya sa akin." Naka-pout kong sabi sa aking sarili.
Naglakad na lang ako ng naglakad hanggang sa nakarating ako dito sa ospital na pinagtatrabahuhan nila Shane.
May nakita akong isang lalaking kaluluwa sa isang kwarto netong hospital tapos parang inaabangan niya 'yung lalaki na nakahiga sa higaan niya.
Lumapit ako. Pagkalapit ko biglaan na lamang tumayo ang kaluluwa ng lalaking nakahiga sa higaan niya kaso nakita ko ang lalaki na humiga sa lalaki at biglaan na lang nawala. Nakita kong dumilat 'yung lalaki pero nasa harapan ko siya. Paano nangyari 'yun? Naguguluhan ako.
"Sandali? Bakit kaharap kita pero 'yung sarili mo nakakatayo, nakakausap at saka ewan."
"Hindi ko alam. Basta hindi ako 'yan." Sabi niya ng mahinahon sa akin.
Umalis na lang siya sa harapan ko at sasama na sa liwanag.
"Sandali? Paano nangyari 'yun? Kaluluwa na siya ah? Bakit buhay siya. Paano nangyari 'yun? Hrrr hindi ko alam! Bakit buhay pa din siya samantalang ako patay."
Mayroong humawak sa balikat ko, "sapi ang tawag doon babae! Gusto mo bang malaman kung paano?" Sabi niya sa akin. Katulad ko rin siya kaluluwa din. Babae siya at puting puti.
"Ayoko! Ayaw kong mang-agaw ng katawan ng may katawan!" Kontra ko pero hinawakan niya ang kamay ko saka ngumiti.
"Gusto mong mabuhay 'di ba? Pwes! Gawin mo ang ginawa ng lalaki'ng 'yan kanina. Sumanib siya sa ibang katawan. Kung gusto mo sumapi lamunin mo siya, higupin mo siya at pairalin mo ang iyong hiling!! Hawakan mo siya sa puso kung sasapi ka para maganda ang pagsabi mo." Magsasalita pa sana ako kaso umalis na siya.
Bigla akong napaisip. Parang feeling ko gusto ko siya gawin. Gusto kong makahawak ng gamit ng maayos at mahawakan ang ibang tao. Susubukan ko ang sinabi sa akin ng babaing 'yon.
...
Habang gabi't tahimik dito ay pumasok ako sa unit nila Shane. Gusto kong subukan ang pag-sanib o pag-sapi.
"Gusto mong mabuhay 'di ba? Pwes! Gawin mo ang ginawa ng lalaki'ng 'yan kanina. Sumanib siya sa ibang katawan. Kung gusto mo sumapi lamunin mo siya, higupin mo siya at pairalin mo ang iyong hiling!! Hawakan mo siya sa puso kung sasapi ka para maganda ang pagsabi mo."
Ganon daw. Susubukan ko.
Hinawakan ko ang puso ni Shane at iniral ko ang aking hinihiling na mabuhay.
Hanggang sa makapasok na ako dito sa katawan na ito.
Pagbangon ko ay nakita ko ang kaluluwa ni Shane na nakahiga at tulog na tulog.
Naglakad ako ng dahan dahan at nagpunta sa isang salamin dito sa kwarto ni Shane dito sa unit. Tinignan ko ang sarili ko. Hindi ko nakikita si Shane sa sarili ko kundi ako. Hinawakan ko ang mukha ko at hinaplos ang aking braso. Tuwang-tuwa ako na naramdaman ko kung mahawakan ang braso mo at mukha mo.
Lumabas ako dito sa kwarto ni Shane, dahan-dahan lang ako naglakad papunta sa kwarto ni Marco. Mabuti na lang bukas.
Nakita ko si Marco na nakahubad at naka-boxers lang. Tinitigan ko siya, napakagwapo pala ni Marco plus 'yung kanyang magandang katawan.
Hinawakan ko ang kanyang mukha at buhok. Saka ko inialis ng mabilis ang kamay ko dahil napagilid siya sa pagkakahiga na kanina'y nakatihaya ngayon ay pagilid na.
"Ang galing! Ganoon pala kapag nakakahawak ka at nararamdaman mo, napakasaya. Parang feeling mo gustong-gusto mo ng mabuhay at sa'yong sa'yo na ang katawan na 'to."
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...