Chapter LII

378 9 1
                                    

#LITHCTheTruth

ΠAbigailΠ

"Stella?!" Gulat na gulat kong pagkakatawag sa pangalan niya. Hindi ko inakala na nandito siya at kapatid siya ni ate Diane.

"Hi Abigail! Kamusta!" Ngumiti siya sa akin.

"Teka? Magkakilala kayong dalawa?!" Takang tanong ni ate Diane sa amin habang sabay nya kaming tinuturo.

"Oo ate Diane! Siya nga 'yung pinaka-close kong multo e. Kaya pala nawala siya dahil sumapi siya kay Kimberly at ngayon nakay Lara. Grabe! Nung inutusan mo ako na mag-espiya kina Abigail at Alfred, nalaman ko lang na kilala niya si Devil Alfred! Nanghihingi ka pala ng tulong doon!" May arteng tono ang pagkakasabi nya kay ate Diane. Shocks! Nag-eespiya pala siya sa amin!

"Wait? Ibig sabihin! Kilala niya si Devil Alfred, Stella?" Tanong ni Shane na parang nagdududa na. Naku! Paano na ito! Hindi ko na alam ang gagawin ko?!

"Oo! At nagsisinungaling lang 'yang babaing 'yan. Na hindi niya kilala pero kilala nya talaga!" Sigaw na pagkakasabi ni ate Diane sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, sh"t naman oh!

"Kilala mo talaga 'yon Abigail! Pwede bang umamin ka na?! Wala ka bang konsensya?! Kung talagang nagsisisi ka na! Aminin mo sa kanila na totoo ang sinasabi namin!" Pagpipilit niya, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi! Hindi ko na talaga alam ang aking gagawin ko.

"Teka nga, Stella! ate Diane!" Pagpipigil ni Shane sa dalawa, hayst! Lalo tuloy akong nagi-guilty dahil pinagtatanggol ako ni Shane upang maisabi na hindi totoo ang sinasabi nilanh totoo, "inosente si Abigail at wala siyang alam dahil hindi niya kilala ang Alfred na 'yon! Sinasabi ko lang na walang Alfred! Walang--" naputol ang sinasabi ni Shane na malapit na niya sanang matapos kaso sumabat si Marco.

"Pwede bang tumigil kayo sa pag-uusap! Porket ako lang ang lalaki dito 'di niyo na ko sinasali! Na-o-OP na kaya ako alam niyo ba 'yun?" Reklamo ni Marco sa amin. Naku! Baka ano!

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon