#LITHCSureDecision
"Ano ba Abby tumayo ka na jan please.." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Hindi ako tatayo dito hangga't hindi niyo ko napapatawad. Nagsisisi na talaga ako sa mga ginawa ko."
"Ang kapal naman ng mukha mo e noh?! Paano ka namin patatawarin e.. Nagawa mo na kaming lokohin at pagnakawan pa!" Galit na galit na sabi ni Kimberly kay Abby.
"Tumayo ka na dyan baka may makakita pa sa'tin." Pagpipigil ko sa kanya kaso di pa sya tumigil dumikit pa sya sa paa ko.
"Please.. Patawarin niyo na ko!"
"O sige para mapatawad ka namin! Ibalik mo sa akin ang katawan ko at umalis ka na dito sa mundo na ito at tantanan mo na kaming lahat! Panggulo ka eh!"
"Huwag naman ganyanan Kimberly, pero oo.. Isasauli ko sa iyo yung katawan mo ngunit ang hiling ko lang akin na lang ang katawan ni Lara please.." Umiiyak na niyang sabi.. Dumikit ang mukha nya sa paa ni Kimberly.
"Ganon? Haha! Hindi ako papayag na ibigay sa'yo ang katawan ng Step Sister ko! Ano ka chicks? Manigas ka dyan."
"Please, Kimberly. Pagbigyan mo na ako please.. Nahihirapan na 'yong katawan mo kaya huwag mo ng hayaang mas mahirapan pa pakiusap akin na lang ang katawan ni Lara!" Pabor nya kay Kimberly.. Naguguluhan na ako sa pangyayari.. Nasa isip ko, gusto kong pumayag pero meron ding bumabagabag sa utak ko na hindi kasi mali pa din 'yun.
"Tama na!" Naiirita kong pigil sa kanila, "Pinapatawad na kita Abby, kaya tumayo ka na dyan at umuwi ka na sa inyo.. Please lang tumayo ka na dyan!" Sigaw ko sa kanya.
"Pero si Kimberly, ayaw niya ko patawarin.. Nagsisisi na talaga ako." Umiiyak na sabi ni Abigail.
"Sige na.." Napatingin kami kay Kimberly.
Tumingala si Abby "Anong sige na?" Tanong nito.
"Ipapahiram ko na sa'yo 'yong katawan ni Lara. Pero sa isang kondisyon."
"Sige papayag ako."
"Tatlong buwan mong ihihiram 'to at pagkatapos ng tatlong buwan? Umalis ka na sa katawan ni Lara at umalis ka na sa buhay namin!"
"Oo payag ako.. Payag ako sa kondisyon mo." Sagot naman ni Abby kay Kimberly.
"Sige na tumayo ka na dyan.. At mamaya magkita tayo dito sa hospital ulit at uumpisahan na natin ang soul switching natin."
Tumayo na si Abby, "salamat." Niyakap niya si Kimberly.
"Sige na sige na! Umalis ka na.. Siguraduhin mong tutuparin mo ang sinabi mo ah." Wala nang imik imik pa at itinulak na ni Kimberly si Abigail ng palayo.
Hinintay ko muna siyang umalis bago ko hinarap si Kimberly.
"Kimberly, bakit mo naman ginawa 'yon? Tatlong buwan talaga?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Dahil iyon ang tama! Kaya tatlong buwan kasi gusto lang naman nyang MABUHAY at MARANASAN ang LAHAT! Kaya pwede ba Shane? Tumigil ka na lang wag nang maraming tanong pa.. Pumayag naman siya sa kondisyon ko sa kanya e." Umalis na lang siya sa harapan ko.
Sa totoo lang naaawa ako kay Abby. Sandali ko na lang siya makakasama kaya susulitin ko na. Tama naman si Kimberly e. Yun ang tama.. Siguro ito na 'yong panahon na ayon na ang tama kay Abigail.. Kailangan ko na lang tanggapin ang kapalaran na ito.
Umalis na ako dito at pumasok na muli sa hospital.
ΠAbigailΠ
Nang nakaalis na sila, lumabas na ako dito sa kotse na tinataguan ko. Haha! Nagsisisihan na sila. Pwede ko silang pag-awayin kapag ako na si Lara sa susunod.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...