Chapter XXVI

489 18 1
                                    

A/N - Thanks po sa nagvote ng story ko! Nakalimutan ko kung sino silang dalawa. Basta thank you po. Sana ituloy niyo lang ang pagbabasa, pasensya na kung medyo magulo po. Thanks!

________________

#LITHCWalaNangKawala

ΠAbigailΠ

"Hoo! Nakakabilib ka naman Abby, 'yon pala ang plano mo! Maganda! Dahil silang lahat ay wala ng ligtas dito ultimo ang Joey na 'yon at 'yong batang punyetang nakakarinig sa akin." Saka siya tumawa.

"Mismo!" Tumayo ako, "At sisiguraduhin kong wala na silang kawala sa'yo hudyat 'yun ng aking paghihiganti!"

"Bwahahahaha!" Malakas na tawa niya hanggang sa ako'y tumawa na din, "hindi nila ako kaya dahil itong condo na ito ay isa nang impyerno at ako na ang may hawak neto!" Lalo siyang tumawa sa kanyang sinabi.

Ngayon Shane, nakaganti na ako sa'yo dahil wala na kayong kawala na kahit umalis pa kayo dito sa condo na 'to wala pa din kayong kawala dahil nakabantay ang panginoong nasa harapan ko.

ΠShaneΠ

ΠKinabukasanΠ

"Sige po ma, tita. Kapag nagutom kayo may mga pagkain doon sa ref o kapag gusto niyong magluto marami pong karne sa freezer." Remind ko sa kanilang dalawa.

"Ok sige anak, ingat kayo ni Marco." Paalam ni mama.

"Makikiusap kami kay Master Dan kung pwede na half hour lang kami para naman makapunta tayo sa bahay para sa balita." Sabi ni Marco.

"Sige! Sige! Ingat kayo! Gusto kong malaman kung anong balita doon sa imbestigasyon." Sabi ni tita.

"Okay po, bye ma, tita!" Paalam namin ni Marco.

Pagkalabas namin ng unit ay bumungad sa amin si Mike dahil lumabas na din siya sa kanyang unit. Lagi yata siyang sumasabay sa paglabas tuwing lalabas kami ni Marco.

"Hi Shane!" Bati niya sa akin habang nakangiti, napatigil siya ng tignan niya si Marco.

Nagulat na lamang ako na umalis siya bigla ng walang imik, hays! Siguro iniisip neto na bakit nililigawan ni Marco 'yung si Abby.

"Ang weird niya, may problema ba sa akin?" Kunot-noong tanong sa akin ni Marco.

"Ah ewan, sige na alis na tayo."

Pagkababa namin dito sa 1st floor nitong condo ay naglakad na kami papuntang labas pero nakasalubong namin si Abigail, mukhang nakaramdam si Marco ng hiya kaya napapunta siya sa likod ko.

"Hi Marco! Hi Shane!" Bati niya samin habang nakangiti sa amin pero sa akin fake smile lang ang kanyang pagngiti sa akin.

"Hi Kimberly!" Bati ni Marco na medyo nahihiya hiya pa.

"Hahaha! Nahihiya yang best friend mo Shane, hayst! Ganda ko daw kasi! Charot!" Nakangiti siya sa aming dalawa. Parang gumaan yata ang loob ko dahil sa ngiti niya.

"Haha! A-ah oo nga e. " nauutal utal kong sabi.

"Ah sige na alis bye guys!"

Nagsimula siyang naglakad, hinawakan niya ang braso ni Marco saka ngumiti.

Dumikit na sa'kin si Marco, "hays! Bwisit! Nahihiya ako. Di ako nakapaghanda." Mukhang naiirita niyang sabi.

Lumingon ulit ako sa likod ko pero nakita ko si Abby na nakatingin sa amin, sinamaan niya ako bigla ng tingin kaya ifinocus ko na lang na lumabas kami.

Pagdating namin dito sa hospital masaya silang lahat na nakatingin sa akin, naghiwalay na din kami ni Marco ng daan.

"Hi Shane!" Napaatras ako ng nakita ko siya, nakakagulat naman ito paano sya nakapunta dito?

"A-Abby?" Naiilang kong sabi sa kanya.

"Oo ako nga Shane, hahaha nagtataka ka yata? Secret lang yun bes! Pero sorry di na pala kita bes!" Nagulat ako na bigla niya ako sinampal magkabilaan.

Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sakit.

"Ano Shane? Gulat ka noh! Para yan sa lahat ng pagtatraydor mo sa akin! Kaya Shane! Wala ka ng kawala kayong lahat!!! Bwahahahha!" Wala na akong naimik ng umalis na siya.

Nagtataka lang ako na bakit ganon? Anong pinagsasabi neto ni Abby? Nakakasuspense naman siya!

**

"Thanks po Master Dan, thanks po talaga na pumayag kayo!" Pagpapasalamat ko kay Poging Master Dan. Sobrang Pogi niya kasi ngayon!

"Walang anuman yun!" Sabi na lang niya.

"Gwapo natin ngayon Master Dan ah! Sino nililigawan niyo?" Tanong ni Marco.

"Wala akong nililigawan, anniversary kasi namin ng asawa ko kaya nakaporma ako ngayon, hehe sige na alis na ako. Kayo umuwi na kayo!" Tumabi kami dahil dumaan siya sa gitna namin. "Ghe na alis na ako ingat din kayo!"

"Ingat kayo Master Dan! Goodluck!" Sabi ko.

"Goodluck to your date Master!" Sabi ni Marco naman.

Napatawa kaming dalawa ni Marco dahil sa sinabi ni Master Dan kanina.

Habang naglalakad kami, naiisip ko pa din 'yung sinabi ni Abby na wala na kaming kawala. Anong ibig sabihin non? Di kaya panakot lang niya yon sakin pero di naman nangyayari yon.

Sa kakaisip ko nandito na pala kami sa labas ng unit namin.

Pagkadoorbell ni Marco agad naman itong binuksan nila mama.

"Oh ma? Bakit di pa kayo nagbibihis? Pupunta tayo doon ah?" Tanong ni Marco kay tita Yolly.

"Hindi na matutuloy e, kasi tumawag yung pulis sa amin, sabi nila wala pa daw yung imbestiga kung sino. Wala pang ebidensya, pero ang sabi na lang namin na huwag na nilang ituloy yun dahil wala naman lahat lahat!"

Nagulat ako sa sinabi ni tita Yolly. Hayst! Nakiusap kami kay Master Dan na half hour lang kami hindi whole! Hayst! Sabagay may kakaabahalan din siya e, explain na lang namin bukas.

"Sige po tita Yolly, pero kailangan pa din nating malaman kung sino may pakana non kung maaari." Sabi ko.

Hays! Sino kaya talaga may pakana non, wala namang may galit sa amin ni Marco. Hays! Ang hirap talaga kapag ganon.

Ang hirap din pala pagsabay sabayin ang mga problema. Sa trabaho, sa sitwasyon namin nila Abby at Kimberly, yung nakita ni Tes, yung di naniniwala si Marco na iba ang nasa katawan ni Kimberly, tas ngayon yung bahay naman namin pinasabog. Tapos iniisip ko pa din yung sinasabi ni Abby na wala ng kawala.

Pero alam ko namang pagsubok lang ito malalagpasan ko din yan! Fight fight nga lang sabi ng iba.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon