CHAPTER 2.2

20.2K 333 2
                                    

SANDRA'S POV

"Sorry I just answered an important call."

Wow ha ang bait yata ni mr. Yabang ngayon.

Pinakilala kami ng parents namin sa isa't isa.

"Andrew, this is Cassandra Williams..."

"Cassandra, this is Andrew Smith."

"Nice meeting you." Nakipagshake hands at ngitian ako sakanya.

"Bagay na bagay talaga kayong dalawa. Hindi kami nagkamali na ipakasal kayo sa isa't isa. Paniguradong mabibigyan nyo kami ng cute na mga apo."

Sabay ngumisi sakin si mr. Yabang at inirapan ko naman sya.

Buti nalang ay hindi nakatingin ang parents namin.

Hayyy nakakainis. Magiging miserable na ang buhay ko nito panigurado.

And hello!!! di ko pinangarap na magkaroon ng baby at yung mayabang na to ang ama.

Wag na lang!

Lord, bakit ito pang mayabang na to ang mapapangasawa ko?
Kainis.

Dinner was served.

Wala akong ganang kumain.

Nakatulala lang ako sa pagkain ko.

Puro tungkol pa din sa business ang pinaguusapan nila.. I don't wanna stay here longer plus katabi ko pa yung mayabang na to.

For sure ayaw din naman nyang matuloy ang kasal. Bakit hindi nalang kaya kami tumutol?

Kaso...

Magagalit naman sila daddy at baka itakwil ako pag sinuway ko sila.

But hindi ba nila naisip yung mararamdaman ko?

Yung ipapakasal nila ko sa hindi ko naman mahal? Dito pa sa mayabang na to.

Lord please help me.

Halos di ko naman nabawasan tong steak sa plate ko. Wala talaga kong ganang kumain. Nanghihina ang katawan ko. Or should I say... Nanlulumo.

"Are you alright?" tanong ni mr. yabang

"Sa tingin mo, paano kong magiging okay?" sarkastikong sagot ko.

"Ang swerte mo nga dahil ako yung mapapangasawa mo." yabang talaga neto.

"Kapal ng muka mo." inis kong sabi.

Napansin nila Mrs. Smith na naguusap kaming dalawa, "Aba mukang magkasundo na agad ang love birds natin."

"Yes Mom, na love at first sight yata ako sakanya." Sagot ni yabang.

"Good to hear that." sagot ni Daddy.

"I have no doubt dahil talaga namang napakaganda ng anak ninyo." sagot naman ng daddy ni mr. yabang.

"I-set nyo na po yung date ng kasal at baka maagaw pa sakin ng iba itong anak nyo."

Yuuck! Ano bang pinagsasasabi ng mayabang na to. Kinikilabutan ako. If I know para lang makuha nya yung mana nya kaya sya bumabanat ng ganto.

Ang korni, tama na please.

At kilig na kilig pa sa amin ang mama nya. Kung alam lang sana ni Mrs. Smith na nagpaplastikan lang kami nito. Hayyy Sana matapos na ang dinner na to. Ayoko na dito.

"Sabi ko naman sayo, bagay na bagay talaga kayo ng anak ko."

"Ahh yesss po tita." I responded with a fake smile.

"See. Bagay daw tayo."

"Shut up." bulong ko kay yabang habang naiirita.

Matapos ang dinner ay nagpaalam na din ang mga Smith. Hinatid namin sila sa parking at bumeso pa sa akin si Mrs. Smith.

"Thank you for a great dinner. Sisiguraduhin ko pong aalagaan at mamahalin ko ang anak ninyo."

Okay na umalis na kayo at wag na makipagplastikan sa daddy ko. hmmp

Nung nasa bar kami sinabihan nya ako na hindi ako maganda tapos ngayon wagas kung puriin nya ko. Paano ako matutuwa di ba?

"Nice to meet you, Cassandra." sabay bumeso sakin si Mr. yabang. Napakaplastik talaga ng isang to. Hanggang ngayon kumukulo pa din ang dugo ko dahil sa ginawa nya sakin sa bar.

Pagpasok namin sa bahay, punung puno na talaga ako at di na nakapagpigil,

"So what was that, Dad?!!" Inis kong tanong.

"Anak, you have to do this for our business."

"So ganun na lang yun dad? You want me to marry that stranger na hindi ko naman talaga kilala?"

"Enough."

"Paano naman ang feelings ko daddy? Ni hindi mo manlang ako inisip. Hindi ko naman mahal yung taong yun para pakasalan ko sya."

"Cassandra, hindi ba't may usapan na tayo kaya tigilan mo na yang kakatanong mo dahil wala ka nang magagawa. Tuloy ang kasal nyo sa ayaw at sa gusto mo."

Tinatawag lang ako ni daddy ng "Cassandra" kapag galit na sya.

Bigla kong naalala yung sinabi ni dad 5 years ago,
"When you reach the age of 25 anak at hindi ka pa ikinakasal ay ako ang hahanap ng lalakeng papakasalan mo. Kaya kung ako sayo kilalanin mo nang maigi yang mga manliligaw mo para makapili ka na at magpakasal ka na."

25 na nga pala ko. Bakit di ko naisip ulit yung words na binitiwan ni dad?

Bakit hindi ko sineryoso? Bakit?

Tumulo na yung luha ko at wala na akong nagawa.

Ang nasabi ko na lang kay daddy, "Ang selfish mo, dad."

Nakita nya na tumutulo ang luha ko.

Hindi na sya nakasagot pa matapos kong bitiwan yung last words ko.

I admit ngayon ko lang nasagot si Dad ng ganito.

For 25 years naging masunurin akong anak. All they did was to control me.

Lumabas na ako ng bahay at padabog kong sinarado ang pintuan.

Wala manlang ginawa si Mommy para pigilan si daddy na ipakasal ako sa Andrew na yun. Alam nyang may mahal akong iba.

Nagdrive na ako palabas ng gate. Binilisan ko para makaalis na sa lugar na to.

Halos maglock na ang panga ko sa halong inis at galit.

Hindi ko mapigilan ang luha ko sa pagtulo.

Ang bigat na talaga ng pakiramdam ko.

Di ko ma explain tong nararamdaman ko.

Parang sasabog ang dibdib ko.

Ang sakit lang.

Sobrang sakit.

Daig pa nung iniwan ako ng boyfriend  ko.

It's been 5 years bakit hindi pa din siya bumabalik??

Nasaan na ka na ba? Nasaan ka na???

Buhay ka pa ba?? May plano ka pa bang magpalita?? Please I need you now.

Bakit kailangan pa kasing mangyari ang lahat ng to??

Bakit????

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon