CHAPTER 15.3

16.1K 241 11
                                    

Hello to Ms. Mhae Obispo!

---

SANDRA'S POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Darn! Ang sakit ng ulo ko. Naalala ko yung nangyari kagabi kaya ang aga aga ay bad mood ako. Teka bakit ako nandito sa kwarto e ang pagkakatanda ko umiinom ako malapit sa pool area kagabi.

Pagtingin ko sa table sa gilid ay may pagkain. Pinagluto naman pala ko ni Andrew. Kahit na naiinis pa din ako sakanya ay kinain ko yung luto niya kasi gutom gutom na ko at uhaw na uhaw. Tsaka favorite ko kaya yung pancake at bacon. I checked my phone at ang daming text nila Thea asking kung okay lang ba ako. Sabi ko ay okay naman ako at wag silang magalala.

Naligo na ko at umalis ng bahay. Nagtaxi ako papunta sa bar ng pinsan ko para kuhanin yung kotse ko. I texted Joel kung kamusta na siya, duguan kasi siya kagabi.

"I'm good Sandra, don't worry. Nailabas na ko ng ospital."

"Alright. Sorry sa nangyari kagabi. Ako na yung humihingi ng pasensya."

"No. Ako dapat yung humingi ng sorry kasi hinalikan kita. Di ko dapat ginawa yun."

"Apology accepted. Magpagaling ka ha?"

"Yes I will."

Hinalikan ako ni Joel kagabi. Nakita siguro kami ni Andrew kaya ayun nasapak tuloy siya. Sobrang duguan si Joel kagabi. Sinapian siguro ng masamang espiritu si Andrew kagabi. Grrr.

JOEL'S POV

Halos mabasag yung muka ko kagabi dahil kay Andrew. Hinalikan ko si Sandra dahil gustung gusto ko talaga siya. Ewan ko ba kaya di ko napigilan yung sarili ko kagabi, dala na din siguro ng nakainom ako at sino ba kasing hindi magkakagusto kay Sandra? She's almost perfect, maganda, sexy at ang bait bait pa. Nagsorry naman ako sakanya pagkatapos dahil di ko dapat ginawa yun, narealize ko na mali yung ginawa ko.

"G*go yang put*nginang yan e. Dati yung girl friend ko ngayon naman yung asawa ko yung inaahas."

For your information hindi ko inahas si Cheska. Si Cheska itong nanlandi sakin at nagpakita ng motibo. Na wala na daw sila ni Andrew kaya pwede na daw kaming magmakeout kahit flirt lang. Who can resist a girl like Cheska? Napakaganda niya at sobrang sexy. Crush na crush siya ng mga lalake sa campus namin during college days. Nang malaman ni Andrew e binaligtad ako ni Cheska. Gumawa siya ng istorya dahilan para magkalamat yung pagkakaibigan namin ni Andrew. Naibalik na lang yun after college.

See. Iniwan din siya ni Cheska dahil mukang walang patutunguhan si Andrew dati. Easy-go-lucky dahil sobrang yaman na nila. May mga business siya pero hindi niya masyadong inaasikaso. At ito namang si Cheska ay ambisyosa kaya pumunta sa ibang bansa. Binibigyan naman siya ni Andrew ng materyal na bagay pero gusto niya yata pati credit card ni Andrew e magamit niya. Tapos ngayon babalik siya sa Pilipinas at inagaw pa si Andrew kay Sandra.

At bakit ba apektado si Andrew nung magkasama kami ni Sandra samantalang sinasaktan lang naman niya si Sandra at may Cheska na siya. Napakaselfish niya.


SANDRA'S POV

Nandito ako sa house of pain para magworkout. Nagboxing ako para mawala yung inis ko dahil sa nangyari kagabi.

3 hours ako dito, nakakapagod.

"Grabe Ms. Sandra, dyosa ka na nyan." Biro ng may ari nitong gym.

"Haha dyosa agad? Di pwedeng model muna? Kailangan e, for next week. Punta kayo sa launch ng bagong clothing line namin ha? Bigyan ko kayo ng passes."

"Sure Ms. Sandra, salamat, magpapapicture nalang kami sayo nun. Alam mo naman iba ang sikat."

"Haha sige see you then."

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon