CHAPTER 27.1

12.9K 184 19
                                    



ANDREW'S POV

Magdadalawang linggo na at hindi ko pa din ma-contact si Sandra. Nagaalala na talaga ako sakanya, okay lang kaya siya? Ligtas ba siya? Ano na lang ang sasabihin ko sa mga magulang niya kapag nalaman nilang hindi umuuwi dito si Sandra? Even her friends ay hindi siya ma-contact. Nasaan na ba kasi siya? Hindi ko naman maipagbigay alam sa mga pulis dahil paniguradong malalaman ng magulang ko at magulang ni Sandra.

I decided to hire a private investigator para naman mahanap na ang asawa ko.

Sa tuwing uuwi ako sa bahay ay hindi ko maiwasang malungkot dahil sa kahit saang sulok ako tumingin ay naaalala ko si Sandra pati ang masasayang alaala naming dalawa.

Ang tanga ko.
Ang tanga tanga ko kasi.

Bakit pa nagkaganito kung kelan seryoso na talaga ako kay Sandra? Kung kelan mahal na mahal ko na talaga siya? Hayy. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing maaalala ko siya, yung mga happy moments namin together. Tanging yung pictures niya nalang sa phone ko, camera at MacBook ko yung pinaglilibangan ko. Miss na miss ko na talaga siya.

Naglalakad lakad lang ako sa buong bahay nang ma-curious ako sa isang pinto malapit sa guests' room kaya binuksan ko ito. Laking gulat ko na may painting room pala si Sandra dito sa bahay. Bakit ngayon ko lang napansin? Pumasok ako sa kwarto at nakita ko yung mga paintings ni Sandra. Halos mga muka ko o muka naming dalawa yung nandito. Sobra akong bumilib sa talent niya sa pagpepaint. Ang talented talaga ni Sandra. Natuwa ako and at the same time ay nalungkot kasi nga hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan na ang asawa ko.

Matapos ang ilang araw ay nakatanggap na ako ng update mula sa private investigator ko. Nasa isang resort sa Batangas si Sandra at may kasama siyang lalake. Biglang uminit yung ulo ko. Nainis ako, sobrang inis dahil sa balitang yon. 2 weeks mahigit siyang nawawala tapos may kasama lang pala siyang lalake??
Tss.

Sinong lalake naman yun? Nagsend ako ng picture ni Joel dahil siya lang naman ang pwedeng makasama ni Sandra pero hindi daw si Joel. Inutos ko din sakanya na alamin kung sino yung lalakeng kasama ng asawa ko at napagalaman ko na Sebastian Jacobs daw ang pangalan ayon sa reservation system ng hotel.

Sebastian?

Hindi pamilyar yung pangalan. Hindi ko matandaan kung saan ko yun narinig.

Tsss. Bakit siya kasama ni Sandra? Magkakilala ba sila? Baka anong gawin non sa asawa ko.

Inalam ko yung address ng resort at nagout na ako sa office. Papunta na ako sa Batangas ngayon. Susunduin na kita Cassandra. Susunduin na kita asawa ko.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na ako sa Pico Sands Hotel na tinutukoy nung private investigator ko.

Nagkita kami sa lobby ng hotel at sinabi niya sakin na nasa pool area si Sandra ngayon at ang kasama niyang lalake. Nagmadali akong pumunta don dahil gusto ko siyang makita. Gusto ko ring makita yung lalakeng tinutukoy ng private investigator ko.

Ang bigat ng mga yapak ko na parang may pumipigil sakin sa pagpunta sa pool area kung nasaan silang dalawa. Hindi ko alam pero bakit nakaramdam ako ng hindi maganda. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko, kinakabahan ako na hindi ko mawari. Sana mali ang iniisip ko.

Palapit na ako sa dalawang taong sabay na umahon mula sa swimming pool. Magkahawak ang kamay nila, nakatingin sa isa't isa at nagngitian. Nagnose-to-nose sila kagaya ng ginagawa namin ni Sandra. Ilang sandali pa ay hinalikan nung lalake yung babae sa noo pababa sa ilong papunta sa labi tapos nagngitian ulit silang dalawa.

Ganito din yung ginagawa namin ni Sandra sa tuwing magkasama kami.

"So nandito ka lang pala?"
Sarkastiko kong tanong sa magaling kong asawa. Gulat silang napatingin sa akin.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon