CHAPTER 30.1

11.4K 183 16
                                    

Ring...

Ring...

Ring...

"Hmmmm?"

"Prinsesa ko?"

"Seb?"

"Yes I am. May ineexpect ka pa bang ibang tatawag sayo?"

"Ahm wala na syempre. Ikaw talaga. Nakatulog kasi ako. I'm sorry."

"It's okay. Sunduin kita dyan mamaya. I missed you."

"Namiss din kita prinsipe ko. See you later."

"Bye. I love you."

"I love you too."

Hayyy. Panaginip lang pala. Akala ko totoo, parang totoo yung mga yakap at halik ni Andrew. Pero hindi, panaginip lang yun at imposibleng mangyari yun sa personal. Hindi na nga ako magpapadala sa mga panguuto nya di ba? Sa mga titig niya... Sa mga yakap at halik niya.

Nagshower na ako at nagready para mamaya, susunduin kasi ako ni Seb at magkikita kami nila Kiko sa bar.

Nakatitig ako sa salamin dito sa grooming area, parang tinatamad ako ngayon. Hayy. Wala yata ako sa mood ah?

Hindi ko alam kung bakit...

"I'll be there in 10mins."

Text ni Seb, hindi ko na siya nireplyan dahil nagaayos pa ko. Matapos kong magayos ay lumabas na ako ng bahay para salubungin si Seb.

Pagkahinto niya ng sasakyan ay agad siyang bumaba, niyakap ako at hinalikan at iniabot sakin yung bulaklak, "for you"

"Salamat prinsipe ko."

Napakasweet talaga ni Seb.

Pagdating sa bar ng pinsan ko ay sakto naman na nakasalubong namin ni Seb yung pinsan kong si Gerald, "hey couz!"

Medyo nagulat ako kasi nga si Seb yung kasama ko.

"Hey Seb! Nakauwi ka na pala? Nice to see you again."

Nagbatian yung dalawa habang ako ay parang nakakita ng multo.

"Don't worry couz." Nagsmile sakin si Ge at niyakap ako.

"Ah. Haha. Thanks couz." Siguro nabasa na niya yung nasa isip ko na baka malaman nila mommy yung samin ni Seb.

Pumunta na kami ni Seb sa vip area at sinalubong naman kami ni Kiko.

"Seb! Sandra!"

"Sexy mo talaga Cassandra." Papuri ni Kiko.

"Thanks pero mas maappreciate ko kung Sandra yung tawag mo sakin."

"Hahaha. Just kidding Sandra."

Sobrang saya namin at ang sarap ng kwentuhan. Ilang sandali pa ay nagaya si Paulo sa dance floor kaya nagsibaba kaming apat.

"Woooh"

"Yeaaah"

Ngayon nalang ulit kami nakapagsayaw ni Seb ng ganito at tila walang pakialam kung may makakilala samin dito.

Napalitan naman ng lungkot yung sayang nararamdaman ko nang makita ko si Andrew.

Hindi ako maaaring magkamali, si Andrew nga yung lalakeng nakikita ko. May kasayawan siyang isang babae at kahalikan na niya ito ngayon.

Bigla akong napatigil sa pagsayaw at nawala ako sa mood.

Akala ko ba mahal niya ko?

Akala ko pa naman sincere na siya sa paghingi ng sorry sakin dahil sa nangyari.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon