Ilang linggo na ang nakalipas at sobrang nagiging okay na kami ni Sandra. Sana laging ganito, sana forever na kaming okay.Nang aayain na naman siya ni Joel na manuod ng sine ay nagtampu tampuhan ako. Sabi ko ayaw ko na na sasama siya kay Joel. Sabi ko nagseselos ako.
Nagpapout ako, tampo epek at nagpapacute pa. Haha. Hindi siya tumuloy at nagstay lang kami sa bahay. Kahit nga ba kaibigan lang ang turing niya kay Joel ay nagseselos pa din ako. Tsaka mahirap na! Kilala ko si Joel.
Babaero din katulad mo?!
Hindi noh, nagbago na ko.
Nakikipaglambingan na din siya sakin ulit.
Palagi na kaming masaya tulad ng dati na pinagluluto niya ulit ako ng breakfast at dinner at pinagpeprepare pa niya ko ng susuotin ko sa office. Tinutulungan niya din ako sa office works ko.
I always say "I love you" to her but sometimes she refuses to answer "I love you too" pero okay lang naman sakin. Naiintindihan ko naman siya sa dami ba naman ng kagaguhan na nagawa ko sakanya di ba?
Ang importante ay okay kami ngayon at sakin lang ang atensyon niya. Minsan nga o madalas ay nagiging paranoid na ko. Tinatawagan ko siya lagi kapag nasa office ako. Baka kasi wala siya sa bahay o kaya baka pinupuntahan siya ni Joel sa bahay. Hindi naman sa wala akong tiwala pero basta natatakot lang kasi ako.
Videocall ang lagi kong ginagawa para nakikita ko kung nasaan siya. Palagi lang naman siyang nasa bahay which is good kaya umuuwi ako kaagad after my work.
Bago umuwi ay bumili ako ng bouquet of roses at malaking malaking teddy bear for Sandra. Isinakay ko sa kotse ko, buti nagkasya. Paguwi ko sa bahay ay nagstay ako sa living habang buhat buhat ko yung teddy bear at bulaklak.
"wifey!!!"
"Wifeeeeeyy!!!"
Nagsisigaw ako.
"Hubby?? Bakit anong proble.."
Nagulat siya nang makita yung teddy bear.
"For you!!!"
"Hubbbyyyy!!! Thank youuuu. Sobrang cute!!"
Una pa niyang niyakap yung teddy bear kaysa sa akin ah?
"Buti pa yung teddy bear may hug, ako wala."
"Sorry."
Niyakap niya ako at hinalikan.
"Thank you hubby sa teddy bear at sa bulaklak. I love you."
"I love you more wifey ko. Mahal na mahal."
"Dinner is ready. Kain na tayo."
SANDRA'S POV
Ilang buwan na din ang nakalipas at kitang kita ko naman yung improvement sa pakikitungo at sincerity ni Andrew sa panunuyo sakin.
Kung sweet siya dati ay mas sweet pa ngayon.
He calls me "Wifey" and I call him "Hubby" kahit na hindi nakaharap ang parents namin.
Lalo akong naiinlove sakanya. Sa bawat araw na gigising ako ay may ngiti sa labi ko, sobrang saya ko. Sa tuwing papasok siya sa work niya at maiiwan ako sa bahay ay namimiss ko siya ng sobra kaya nakakatulong din na lagi kaming magkavideo call kapag nasa office siya.
Feeling ko talaga ay mag-asawa na kami. Kulang na lang ay baby. Hmm wait, di pa yata ako ready.
Pero sana totoo na to. Sana hindi na niya ko iwan sa ere. Sana hindi na niya ko saktan ulit.
BINABASA MO ANG
Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18*
RomanceMinsan kung kailan nagmamahal tayo ng totoo at buong buo saka tayo lolokohin ng taong mahal natin. Minsan akala mo siya na pero hindi pala. Minsan pinasaya ka lang akala mo seryoso na. Ang tanga lang. Ang tanga tanga ko. Bakit kasi nagtiwala agad ak...