SANDRA'S POV
Andrew gave me a bouquet of roses, teddy bear and chocolates.
"I just want to make you feel special."
Kinilig ako nung sinabi niya yun.
Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito.
Never akong nag-entertain ng suitors simula ng maghiwalay kami ni Seb. May nagpapadala sa bahay ng mga bulaklak but ngayon ko lang nafeel yung ganito na parang ang saya saya ko.
Teenage lang ang peg! Kakaloka!
Ang saya niya ding kausap at may sense of humor din naman pala siya hindi lang puro yabang!
Inaya ko siyang magdinner dito kaso next time nalang daw. Siguro nahihiya siya kay mommy.
Hinatid ko na siya sa labas at nagulat ako nung tinawag niya ko at hinalikan sa noo.
Grabe! Nagblush yata ako at hindi na ako nakapagsalita.
Kinikilig ako!!
Maybe it's time to move on.
Sandra 5 years na din ang nakakalipas, siguro naman time to move on na talaga!!!
Before I sleep I got a text message from an unknown number.
"Have a good sleep ;)"
"Who's this?"
"The luckiest man on earth."
"Duh."
"Ms. Taray talaga oh. :)"
"Okaaay si Mr. Yabang pala. Hahaha"
"Haha ako nga"
"Pano naging luckiest?"
"Siguro kasi dahil nakilala kita at ikaw ang magiging wife ko. :)"
"Ah. Alright."
"Haha. Sungit. I can't sleep."
"Hmm. Bakit naman?"
"Kasi iniisip kita. Gusto na kitang makita ulit."
Omg! Kilig ba itong nararamdaman ko? No hindi maari.
"Haha itulog nalang yan. Good night."
"Alright. good night din."
I don't know but medyo nawala kasi yung trust ko sa mga lalake. Hindi na ko basta basta nagpapadala sa mga biro or pick up lines.
And since fixed marriage lang tong kasal namin, ayokong magpakasiguro. Yes I appreciated his effort kanina pati yung pagbigay niya ng bulaklak sakin at kay mommy but ayokong mainlove muna.
Tama na muna siguro yung konteng kilig lang. Hmmmm.
Let's see.
Basta chill lang.
Enjoy life ika nga.
Since next month na ang kasal namin ni Andrew ay sobrang busy na ang lahat sa pagasikaso ng event of the year.
Kasi naman I'm the only child at ganun din si Andrew kaya sobrang excited both sides yung family, friends at relatives namin.
Nandito kami ngayon sa shuttle ng airport papunta sa private jet namin.
Babyahe kasi kami ni Andrew pati na ang event organizers and mga video and photographers.
Magkatabi kami ni Andrew buong byahe.
BINABASA MO ANG
Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18*
RomanceMinsan kung kailan nagmamahal tayo ng totoo at buong buo saka tayo lolokohin ng taong mahal natin. Minsan akala mo siya na pero hindi pala. Minsan pinasaya ka lang akala mo seryoso na. Ang tanga lang. Ang tanga tanga ko. Bakit kasi nagtiwala agad ak...