CHAPTER 27.0

12.2K 157 20
                                    

SANDRA'S POV

Para akong napailalim sa spell ni Seb, bigla akong nawala sa sarili ko at nakalimutan kong kasal akong tao. Oo nga at fixed marriage iyon pero sa mata ng Diyos at sa mata ng tao ay kasal pa din kami ni Andrew.

We're almost there as in gagawin na namin ni Seb yung bagay na hindi pa namin ginagawa before.

Gagawin na namin yung katulad ng ginawa namin ni Andrew.

"I'm sorry prinsesa ko, hindi ko dapat yun ginawa sa'yo. I'm so sorry."

Niyakap niya ako ng mahigpit.
I almost give myself to him. I'm so sorry. I feel sorry for myself.

Gumanti lang ako ng yakap sakanya at napansin kong umiiyak siya, "Ssshh. It's okay Seb, wag ka ngang umiyak dyan."

"Sorry kung nagtake advantage ako sa'yo." Patuloy siyang umiyak.

I wiped his tears, "hindi mo naman yun kasalanan e, gusto ko din naman yun Seb." Gusto ko din naman talaga, I mean syempre tao lang ako, babae lang din ako at humahanga, nagmamahal at nakakaramdam ng lust.

"Hindi ka galit sakin?"

"Hindi noh. Ano ka ba?"

Iniisip pa din siguro niya yung dati kasi nga bata pa kami nun.

"Promise ka muna."

"Proooomise." I answered. Tapos nakipagnose-to-nose ako sakanya.

"I love you prinsesa ko."

"I love you hanggang walang hanggan prinsipe ko."

"Linya ko yan e."
Nagpout siya,

"Hindi pwedeng maging linya ko din?"

"Hmmm pwede."

"Nagisip pa talaga to oh."

Nagtawanan lang kami na parang walang nangyari kanina. Okay na din yung ganito at least walang awkward moments.

SEB'S POV

Almost two weeks na din kaming magkasama ni Sandra. I'm glad kasi hindi niya ako iniiwan at hindi siya galit sakin.

14 ngayon, di ba 14 yung number namin? Naisipan kong i-surprise siya, kaya gumising ako ng maaga at ipinagluto siya ng breakfast at naglagay ako ng note na aalis ako, kunwari aalis ako pero ang totoo ay magstay lang ako sa guest's room at aayusan ko ito.

Nagpadeliver ako ng red and white balloons tapos dinala ko ito sa kwarto at kinuha ko din yung mga naitatago kong hard copy ng old pictures namin ni Sandra tapos idinikit ko sa tali ng lobo.

Nagpadeliver din ako ng bulaklak at cake tapos inilagay ko sa kama.

Piniktyuran ko yung kwarto. Sobrang ganda!

SANDRA'S POV

Umaga na naman, bumangon na ako para maghilamos at magmouthwash. Pinagluto na pala ako ni Seb ng breakfast at umalis pala siya.

Kumain na ako ng breakfast tapos umupo na ako sa couch. Hayy namimiss ko na agad yung prinsipe ko.

Yung yakap niya, yung sense of humor niya, yung mga kwento niya na napapatawa talaga ako, yung paghalik niya sa noo ko, yung pagaalaga niya, as in iba e. Hindi pa din siya nagbabago, tinatrato niya pa din ako na parang prinsesa. Pinapahalagahan niya ako hindi katulad ni Andrew na palagi akong binabalewala at sinasaktan.

Si Sebastian talaga yung tipo ng lalake na gugustuhin mong makasama habang buhay.
Yung aalagaan ka, yung hindi ka manghihinayang na pagsilbihan, pagtuunan ng pansin at mahalin ng buong-buo.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon