Pagkakain ng breakfast ay naligo na ako para pumasok sa work. Nakaayos na din si Sandra at mukang aalis din."Aalis ka?" Tanong ko sakanya.
"Yap. Magkikita kami ni Andrea."
"Okay. Ingat ka."
"Ingat ka din. Una na ko." Paalam niya.
Si Andrea kaya talaga yung kikitain niya? Pinauna ko siya ng ilang minuto tapos umalis na din ako para sundan siya. Papunta siyang Newport, di kaya uuwi siya sa condo niya? Lumiko siya at nag-park sa harap ng Yellow Cab na malapit sa condo niya. Iginilid ko yung sasakyan ko para hindi niya mapansin.
May lumapit sakanyang lalake at kangitian pa niya. Nang medyo gumilid yung lalake ay nakita ko yung itsura niya.
T*ngina!
Si Joel to ah?
Siya ba yung ka-I miss you ni Sandra kagabi?
T*ngina. Ahas talaga tong kaibigan ko na to. Bakit yung asawa ko pa.
Pagpasok nila sa Yellow Cab ay umalis na ko. Nakakabadtrip.
SANDRA'S POV
Nandito ako ngayon sa labas ng Yellow Cab malapit sa condo. Nandito na kasi si Andrea, susunduin ko siya at pupunta kami sa mall para magshopping.
"Sandra." May tumawag sakin. Si Joel pala.
"Hey. Kamusta?"
"Eto okay naman. San punta mo?"
"Pupuntahan ko si Andrea sa dyan sa loob, magshopping kasi kami. Ikaw?"
"Magorder lang ako ng pizza. Tara sabay na tayong pumasok."
"Sige."
Naghiwalay na kami ni Joel at pinuntahan ko na si Andrea.
"Good morning sissy."
"Good morning sissy! Ang bilis mo ah?"
"Syempre ayokong mainip yung maganda kong kaibigan."
"Naman. Haha. Tapusin ko lang to. Kumain ka naba?"
"Yap. Sabay kami ni Andrew."
"O kamusta na kayo ni Andrew?"
"Okay lang. Parang normal lang. Hindi ako nagpapaapekto sa mga ginagawa niya."
"Dapat lang, dedmatology lang lagi sissy. You know what kung ako sayo dapat gumanti ka sakanya e."
"Gumanti?"
"Oo. I mean like manlalaki ka din. Tignan mo kung hindi magselos yung asawa mo."
"Sus. E hindi naman na kailangan. Para saan pa di ba?"
"Edi para makita natin kung may halaga ka ba talaga kay Andrew."
"Di bale na lang sissy. Wala naman akong worth sakanya so bakit pa ko gagamit ng ibang tao di ba?"
"Sabagay."
"Sige lang kumain ka muna dyan."
"Sandra, mauna na ko." Lumapit si Joel samin ni Andrea at naghi siya kay Andrea. Binati naman siya ni Andrea.
"Sige, ingat ka." At nagbabye na ko sakanya.
"You know what sissy, pwede yang si Joel."
"What do you mean?"
"E halata namang may gusto sayo yung tao. Bakit di ka makipagclose sakanya para maalarma si Andrew sa closeness nyo. Tignan ko lang di umusok tenga nun."
BINABASA MO ANG
Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18*
RomanceMinsan kung kailan nagmamahal tayo ng totoo at buong buo saka tayo lolokohin ng taong mahal natin. Minsan akala mo siya na pero hindi pala. Minsan pinasaya ka lang akala mo seryoso na. Ang tanga lang. Ang tanga tanga ko. Bakit kasi nagtiwala agad ak...