CHAPTER 16.2

13.8K 221 15
                                    


ANDREW'S POV

Pagkahatid ko kay Sandra sa bahay ay nagmadali na akong pumunta sa St. Luke's hospital.

Tumawag kasi yung pinsan ni Cheska sakin kanina nung nasa Tagaytay pa kami ni Sandra. Na-confine daw si Cheska dahil hinimatay. Nagkasakit siya dahil ilang araw daw na hindi nagkakakain simula nung magbreak kami.

Cheska looks so pale, yung muka niya at labi niya, sobrang putla talaga. Niyakap ko siya agad nung pagkapasok ko sa kwarto kung saan siya nakaconfine.

Hinawakan ko yung kamay niya,
"How are you?"

Hindi siya nagsasalita tapos nangingilid yung luha niya.

"I'm sorry Cheska, nadala lang ako ng init ng ulo kaya ako pumayag na magbreak tayo. Hindi na mauulit."
I said it sincerely.

"Tayo na ulit?" Tanong niya habang umiiyak. Parang dinudurog yung puso ko dahil sa itsura ni Cheska ngayon. Muka siyang nanghihina tapos iyak pa siya ng iyak.

"Oo tayo na ulit. I'm so sorry honey. I love you."

"I love you too honey. Dito ka lang sa tabi ko ah?"

"Yes. I will. Magpagaling ka ha?" Hinalikan ko siya sa noo.

CHESKA'S POV

I heard nagkakamabutihan na sina Andrew at Sandra. Nakita ko pa yung pictures nila dun launch ng bagong clothing line nila Andrew. Kumulo yung dugo ko nung makita ko yun!!! Puro sila ang laman ng article sa newspaper even online. grrr!!!

Sabi ko na nga ba malandi din yung Sandra na yun e!

Sabi ko na nga ba may gusto din siya kay Andrew! Na aakitin din niya yung Andrew ko!!!

Nakakainis!!!

Hindi pwedeng mapasakanya ng tuluyan si Andrew. Hindi pwedeng mainlove sakanya si Andrew. Kailangan kong gumawa ng paraan!!

Kinuntsaba ko yung pinsan kong si Shane at yung boyfriend niyang doctor sa St. Luke's. Nagpaconfine ako at pinatawag ko si Shane kay Andrew para gumawa ng kwento. Naglagay ako ng make up at tinulungan din ako ni Shane para magmuka talaga akong maysakit.

Pagdating ni Andrew ay nagamit ko yung acting skills ko at effective naman. Nagkabalikan na kami. Hahahaha!!

SANDRA'S POV

Gabi na nung makauwi si Andrew. Hindi ko siya pinapansin dahil naiinis padin ako sakanya. Hindi manlang niya sinabi sakin kung bakit nagmadali kaming umuwi.

Kinabukasan ay wala na siya sa kwarto. Umalis na siguro, bumaba naman ako para magprepare ng makakain ko. Pagdating ko sa kitchen ay nandito pala si Andrew. Nagluto siya ng lugaw, mukang masarap ah? Ang bango kasi. Siguro ay bumabawi to dahil sa nangyari kahapon. Hmmm.

"Good morning." Bati ko, pero hindi naman niya ko pinansin.

Niyakap ko siya, "sabi ko good morning."

"Good morning din." Sagot niya pero parang walang gana. Busy siya sa paghanda ng pagkain. Nagsalin siya ng lugaw sa mangkok at nagtatalop pa siya ng hard boiled egg.
Meron pang garlic.

"Wow lugaw." Sabi ko na kunwari ngayon ko lang nakita.

"Mukang masarap ah?" Kumuha ako ng kutsara at akmang titikman ko yung lugaw nang biglang...

.

.

.

.

.

.

.

.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon