ANDREW'S POV"I miss you honey."
Niyakap ako ni Cheska. Laking gulat ko dahil nandito siya. Kaya nga si Sandra yung sinama ko dito dahil gusto ko siyang makabonding. Ang sarap kasing kasama ni Sandra at kakaiba yung sense of humor niya lalo pag bumabanat siya o magiisip ng kalokohan.
Dumating na din si Geoff at girlfriend niya tapos sumunod na sina Drake at Joel, nandito din pala si ungas. Nagbatian naman kami pero hindi pa din kami sobrang okay di tulad ng dati, nagbabatian lang kami dahil pakiusap ng barkada namin at since birthday naman ni Geoff ay pinagbigyan ko na.
Nagbatian sila ni Sandra, nagngitian at mukang nanalo si Joel sa lotto kung makangiti. Ang lagkit pa ng tingin niya kay Sandra. Psh. Nakakainis.
Sinita ko si Kenneth kung bakit kasama nila si Cheska. Sabi daw kasi ni Cheska ay pinapasama ko siya at sumabay nalang daw siya samin ni Steph.
CHESKA'S POV
Nabalitaan ko na magpupunta sa Batangas yung barkadahan nila Andrew dahil birthday ni Geoff, bakit hindi niya ko inaya? Don't tell me yung Sandra na yun ang isasama niya. Hindi ako makakapayag!
Sinabi ko kay Geoff na sasama ako at okay naman daw kaya sumabay nalang ako kay Kenneth at sa girlfriend niya papunta dito sa resort at tama nga ang hinala ko! Kasama nga ang asawa niya!!
Hindi ako makakapayag na maging masaya sila o makapagbonding sila, ako lang ang dapat kasama ni Andrew. And well, magkasama kami sa isang room, buti nga sa Sandra na yun, magisa lang siya sa kwarto at di nya kasama si Andrew ko.
ANDREW'S POV
Nandito na kami sa iisang kwarto ni Cheska, dapat si Sandra ang kasama ko sa kwarto e kaso mapilit si Cheska, ayan tuloy magisa lang si Sandra dun sa kwarto.
I texted Sandra, "kamusta ka dyan?"
Hindi sya nagrereply kaya tinext ko ulit sya, "hey. I'm asking kung kamusta ka"
After 5 minutes ay nagreply na din sya.
"I'm alright. Kasama ko si Joel."
What? Kasama niya si Joel sa kwarto niya? Kaya siguro ang tagal bago sya nakapagreply.
Nagpaalam ako kay Cheska at lumabas ako ng kwarto, nagdoorbell ako sa kwarto ni Sandra pero wala nagbubukas ng pinto. 10 minutes na ang nakakalipas pero hindi pa din binubuksan yung pinto.
Don't tell me may ginagawa sila ni Joel sa loob? Tsss.I texted her, "Buksan mo yung pinto, kanina pa ko nagdodoorbell." Gusto kong malaman kung nagmemake out sila ni Joel.
Hindi na naman siya nagrereply.
"Sandra bakit ang tagal mong magreply!"
"Wala ako sa room, nandito kami sa lobby tumitingin ng mga activities. Kasama namin sila Drake. Ano kailangan mo?"
Para naman akong nabunutan ng tinik sa sinabi ni Sandra.
"May itatanong lang sana ako."
"Edi itext mo nalang."
"Nevermind."
"K."
"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Cheska.
"Matagal ba para 15 minutes lang naman."
"Na-miss kasi kita agad." Tapos niyakap ako ni Cheska ng mahigpit, hinalikan din niya ko.
"Mamaya na honey, too early for this." Sabi ko.
Ilang sandali pa ay tumawag na si Geoff dahil ready na daw yung lunch.
BINABASA MO ANG
Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18*
RomanceMinsan kung kailan nagmamahal tayo ng totoo at buong buo saka tayo lolokohin ng taong mahal natin. Minsan akala mo siya na pero hindi pala. Minsan pinasaya ka lang akala mo seryoso na. Ang tanga lang. Ang tanga tanga ko. Bakit kasi nagtiwala agad ak...