CHAPTER 18.1

14.2K 241 10
                                    

Nagising ako ng madaling araw dahil may lagnat pa din si Andrew. Sana gumaling na siya. Pinunasan ko ulit siya ng bimpo tapos ikinuha ko siya ng pagkain sa baba para magkalaman yung tyan niya at pinainom ko siya ng gamot.

Naidlip ako habang binabantayan ko siya.

"I love you Sandra. Salamat sa pagaalaga mo sakin. Mahal kita at mas mamahalin pa."

Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako pero hindi e, nagsasalita si Andrew, boses niya talaga to. Pagdilat ng mga mata ko ay gising nga siya,

"Ano ulit yung sinabi mo?"
Tanong ko,

"Wala naman akong sinabi ah?"

"Narinig ko."

"O bakit pinapaulit mo pa kung narinig mo naman pala?"

Hindi ko na siya sinagot at tinalikuran ko nalang siya.

"Edi wag!" Kunwari nagtatampo ako.

Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako,

"Sabi ko mahal kita. Mahal na mahal. Totoong minahal kita noon Sandra, naguluhan lang ako sa actions mo na akala ko hindi mo ko mahal talaga."

Humarap ulit ako sakanya,
"What? Anong actions??!" Nagtataka kong tanong.

"Yung pag magkasama kami ni Cheska, nung nakita mo siya. Hindi ka manlang nagalit so I thought wala lang talaga sayo. I thought na okay lang sayo lahat kasi hindi mo naman talaga ako mahal."

"Ang manhid mo rin noh!" Inis kong sabi.

"O bakit ako naging manhid?"

"Manhid ka at selfish!!"

"I know I've been selfish."

"So dapat alam mo din na manhid ka."

"E hindi nga sabi!"

"Bakit mo ko sinisigawan?" Tumaas din boses ko.

"Hindi nga po sabi." Nagpout na naman siya. Nakakapanghina.

"Manhid ka kasi hindi mo naramdaman na mahal kita."

"I'm sorry. Hindi mo naman ako masisisi e."

"Ha? Bakit naman?"

"Remember nung pupuntahan kita sa condo mo kasi miss na miss na kita at sabay dapat tayo maglalunch?"

"Yes."

"I saw you kissing someone else."

"What??!"

"Ano idedeny mo pa e kitang kita ng dalawang mata ko."

Duh! Anong pinagsasasabi nito???

"Excuse me. Wag mo kong inaakusahan ng ganyan. Ikaw lang yung mahal ko nung mga oras na yun."

"So ngayon hindi na ako?"

"Ikaw pa din naman syempre!!" Kainis to.

"So sino nga yung kahalikan mo?"

"Wala nga akong kahalikan e! Kulit mo."

"Meron. Matangkad na moreno."

Matangkad na moreno? Baka si Nikko yung nakita niya! Si Mr. Tall, Dark and Handsome!

"Wait wait. Gwapo?"

"Oo. Pero mas gwapo ako."

"Kapal mo."

"Talaga."

"Kilala ko na yung tinutukoy mo."

"See. Nagsasabi ako ng totoo di ba? Kahalikan mo nga siya."

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon