SANDRA'S POV
I took a quick shower and change my clothes. I'm wearing pants and a simple blouse then I tied up my hair.
Inayos na namin ni Andrew yung main dining area.
"Malapit na daw sila mommy."
"Alright." Sagot ko naman.
"Please act accordingly."
May act accordingly pa tong nalalaman."Na we're not in good terms?" Pangaasar ko.
"Sandra wag mo naman ipakita kila mommy na hindi tayo okay."
"Bakit?"
"Wala lang.. Para hindi sila magtaka."
"Dahil baka bawiin yung mana mo?"
"It's not that.."
"Then what??" I asked.
" I mean, oo." Sagot niya.
Ano pa nga ba?
"Say please." lagot kasi siya kapag nalaman ng daddy niya na hindi kami okay at plano niyang hiwalayan ako after a year.
"Please Sandra wag mo naman ipakita kila mommy na hindi tayo okay." Pag-ulit niya.
"I can't promise."
Haha naiinis na siguro siya sakin."Okay. I'll do anything you want for as long as you're not gonna tell them what's really going on between us."
"Alright. Madali naman akong kausap."
"Then what's that?"
"Cook breakfast and dinner for me just for a week."
"Okay no problem."
"Alright." Madali din naman pala siyang kausap e. Syempre mana niya ang pinaguusapan dito.
Dumating na sina tita Cynthia and tito David. Sinalubong namin sila ni Andrew habang si Andrew ay nakahawak pa sa bewang ko.
Nagmano kami sakanila and welcomed them."So kamusta ang bagong kasal?"
Tanong ni tito."Okay naman po mommy." Sagot ni Andrew at nakangiti pa sya. "Diba honey??" Duh! Kelan pa tayo naging mag-honey?
Pinandilatan niya ako ng mata nung hindi ako sumagot, "ahh oo naman HONEY." Diniin ko talaga ang pagsabi ng honey then I gave him a fake smile.
"Tara po kain na tayo, nakahanda na po yung dinner." Aya ko sakanila.
Nakahawak naman ngayon sa kamay ko si Andrew habang naglalakad kami papunta sa dining area. Grabe ang plastic lang.
Nagdasal na kami at nagsimulang kumain.
"Napakasarap naman ng luto niyo."
"Ah yes daddy, tulong po kami ni honey na nagluto."
"Napakaswerte naman sayo Sandra ng anak ko."
"ah opo daddy." Sagot ko naman.
"Swerte din naman siya sakin daddy, diba honey?" Sabay siko sakin ni Andrew.
"Oo naman HONEY."
Sinubuan pa ako ni Andrew ng menudo,
"Napakasweet nyo talaga, parang kami lang ng daddy ni Andrew nung kabataan namin."
"Sweet padin naman ako sayo hanggang ngayon di ba?" Sagot naman ni tito.
"So kelan niyo kami bibigyan ng apo?"
Nasamid ako sa tanong ni tita Cynthia.
"Oh honey" at pinainom ako ni Andrew ng tubig.
Inakbayan niya ko, "actually mommy and daddy e nagpaplan na kaming magkababy. After my busy schedule ay maghohoneymoon kami sa ibang bansa."
BINABASA MO ANG
Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18*
RomanceMinsan kung kailan nagmamahal tayo ng totoo at buong buo saka tayo lolokohin ng taong mahal natin. Minsan akala mo siya na pero hindi pala. Minsan pinasaya ka lang akala mo seryoso na. Ang tanga lang. Ang tanga tanga ko. Bakit kasi nagtiwala agad ak...