CHAPTER 33.0

15.5K 210 9
                                    

Hello @Shishi_17 thank you sa super votes!

Hello also to @JOJO21972

@Bhiejane @anapuu @maimai69 @GretchenFumar @hitaru18 and @Joan1992

-

ANDREW'S POV

"Hindi yata okay sakanya bro, share niyo nalang ako sa kwarto niyo ni Les." Pakiusap ko.

"Hindi pwede bro, ngayon ko lang siya masosolo e." Sagot naman ni Drake.

"Kenneth?"

"Sorry tol."

"Geoff?"

Umiling siya.

"Joel?"

"Sensya na tol."

Sabay-sabay pa silang nagsabi ng, "sorry tol, motmot time."

At nagtawanan.

"Hahahaha"

"Uwi na nga lang ako."

Di pa din pumapayag si Sandra, mukang sira ang plano ng barkada.

"Teka bro minsan nga lang tayo makumpleto e." Pigil ni Joel.

"E san ako magstay? Wala ng available na room."

Binuhat ko yung mga gamit ko,

"Uuwi na lang ako, mag-enjoy and relax na lang kayo dyan, next time na lang ako makikipagbonding."

Hindi pa rin pumapayag si Sandra.

Tss.

Maglalakad na sana ako paalis..

"Okay.. sige na payag na ko."

"Yehey." Nagngitian ang buong barkada.

"Alright. Thanks Cassandra."

"It's Sandra."

"Okay, Sandra."

Gusto kong sabihing wifey pero baka magbago pa isip niya.

Sa wakas at masosolo ko ulit si Sandra, I mean magkakasama na ulit kaming dalawa at sa iisang kwarto lang. 3 days and 2 nights pa naman kaming magiistay dito.

"Tulungan na kita." Bubuhatin ko na yung gamit niya, "no thank you, kaya ko naman."

"Hindi ka pa pwedeng magbuhat ng mabigat."

"What?"

"I mean baka mabigat yung gamit mo. Baka di mo kayang buhatin."

Muntik pa akong madulas, bawal siyang magbuhat ng mabigat dahil baka mapwersa yung paa niya, dipa siguro yun totally okay.

Ayoko namang malaman niya na pumunta ako sa ospital tapos nakita ko silang masaya ng barkada at boyfriend niya.

"Ako na."

"Ako na sabi." Pilit ko.

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Bakit ba ang sungit mo pa din sakin?"

Huminga siya ng malalim at alam kong umirap na naman siya kahit na nakashades siya ngayon.

Pagpatuloy mo lang yan wifey baka anong magawa ko sayo. Baka mahalikan kita kahit nasa lobby tayo at maraming tao dito.

"Ako na nga sabi ang magbubuhat." Pilit niya pero kinuha ko pa din ang mga gamit niya.

"Don't worry hindi ko naman to isusumbat sayo."

SANDRA'S POV

Bukal ba talaga sa kalooban mo ang pagtulong mo sakin? Tapos ngayon sasabihin mo pa na hindi mo isusumbat?

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon