ANDREW'S POV
Third day na ng stay namin dito sa Balesin.
Same routine. Ligo muna at breakfast.
Good thing tumabi na sakin si Sandra.
Kakausapin ko na talaga siya. Siguro naman this time kakausapin na niya ko since kaharap namin sila Chris.
"Sandra?"
"Yes?"
"Ahm.. Is there any...."
Biglang nagring yung phone niya.
"Excuse me."
At tumayo siya. Bad trip! Ang wrong timing naman nung tawag na yun!
Hindi ko na siya nakausap ulit pagbalik niya dahil busy na siyang kausap si Chris at ang buong team.
Pinaguusapan nila yung shoot mamaya.
"For photoshoot muna ang gagawin natin the whole day then tomorrow and sa following days ay yung video shoot naman, medyo matagal yon."
"Alright. Maganda din kung gagamitin natin yung yacht para dun yun ibang scenes. Gusto ko din ma-capture yung sunset." Sandra suggested.
"Yes. That's a good idea."
"How about you Sir Andrew, do you have suggestions? Wag ka mahiyang magsabi."
"Gusto ko may kissing scene habang may sunset." Seryoso kong sabi.
Nagngitian naman sila Chris at ibang organizer.
"Maganda yon at paniguradong nakakakilig yon." At nagtawanan sila.
Hindi na kumibo si Sandra at busy na sa pagkain ng pancake at bacon niya.
Nagsimula na yung shoot namin.
This time medyo daring naman dahil nakaswimming attire kami pareho.
I'm wearing trunks while Sandra's in a two piece swimsuit. Ang sexy niyaaa!!!
Lalo tuloy uminit ang panahon.
Very light lang ang make up niya, wala eh, maganda na talaga siya.
Effortless beauty!
Nakangiti na ulit siya at tumitingin na sakin. May mga pose din na magkayakap kami o holding hands.
I missed her!
May shot din kami na nakahiga sa sand at nakaside yung muka namin at nakangiti sa isa't isa.
"Nakakakilig talaga yung dalawang to."
"Bagay na bagay sila."
"Sila ang pinaka "IT Couple" sa lahat ng naging client natin."
Napangiti naman ako sa mga comment nila.
See, bagay na bagay kami.
Huli naming shot ay yung sunset ang background.
Hinalikan ko si Sandra kahit hindi inutos ng photographers.
"Perfect." Komento ng photographer
After the shoot ay lumapit na naman si Sandra sa kinakainisan kong photographer.
Nagngingitian at nagbubulungan sila habang tinitignan yung mga shots.
Nakaramdam na talaga ako ng selos kapag nakikita ko silang magkasama.
Dinner time na at hindi na ako kumain. Naiinis kasi ako. Diretso na ko sa kwarto at naligo. Kahit papano ay nabawasan yung inis ko.
Kumain lang ako ng chips at uminom ng beer na nasa ref.
BINABASA MO ANG
Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18*
RomanceMinsan kung kailan nagmamahal tayo ng totoo at buong buo saka tayo lolokohin ng taong mahal natin. Minsan akala mo siya na pero hindi pala. Minsan pinasaya ka lang akala mo seryoso na. Ang tanga lang. Ang tanga tanga ko. Bakit kasi nagtiwala agad ak...