CHAPTER 24.1

14.2K 205 5
                                    


ANDREW'S POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw.

"Arrggh" medyo masakit yung ulo ko.

Napatingin ako sa ceiling, what? Umaga na?? Wait, yung dinner na inihanda ni Sandra. Teka, bakit ako nakahiga sa kama?

Napatingin ako sa gilid ko at natutulog si Cheska sa tabi ko.

Naalala ko kagabi na mataas yung lagnat ni Cheska at binantayan ko siya. Sh*t! Bakit nakatulog ako?!! Tss. Teka, paanong nangyari to??

Pagtingin ko sa orasan sa gilid ng kama ni Cheska ay 6:30am na.

Nagmadali akong maghilamos at paalis na ako nang yakapin ako ni Cheska mula sa likod ko,

"Andrew, please don't leave me."

"Ano pa bang kailangan mo Cheska?? Inalagaan na kita nung maysakit ka kagabi."

"I need you Andrew. Please stay. Please bumalik ka na sakin."

Umiiyak na si Cheska.

"No Cheska, kasal na ko at mahal ko na si Sandra. Tapos na ang lahat satin di ba? Ilang beses ko pa bang uulitin sa'yo para maintindihan mo?"

"Andrew please."

Kumalas na ako mula sa pagkakayakap ni Cheska at nagmadaling pumunta sa parking. Pagpasok ko sa kotse ko ay chineck ko agad yung phone ko.

Ang daming texts at tawag ni Sandra. Hayy. I'm sorry wifey. :(

Bakit ba kasi ako nakatulog? Ang tanda ko ay magpapaalam na ko kay Cheska dahil kailangan ko ng umuwi e.

Hindi kaya dahil dun sa iced tea na pinainom niya sakin kagabi? Tss.

CHESKA'S POV

"No Cheska, kasal na ko at mahal ko na si Sandra. Tapos na ang lahat satin di ba? Ilang beses ko pa bang uulitin sa'yo para maintindihan mo?"

"Andrew please."

Kumalas na si Andrew mula sa pagkakayakap ko at pabagsak na isinara yung pinto.

Pagsisisihan mo ang lahat ng ito Andrew Smith.

ANDREW'S POV

Pagdating ko sa bahay ay nakita kong bukas yung sliding door papunta sa pool area kaya dumiretso ako dun dahil baka nandun si Sandra.

Paglabas ko ay may nakatumbang basyo ng bote ng alak, uminom siguro si wifey.

Bumungad sakin yung view sa garden area. Naglakad ako papunta don, mayroong balloons, nakaayos yung mga tela, at may mga kandilang tunaw na sa paligid. Nandito din sa lamesa yung pinggan, cutlery, baso, isang boteng champagne at tunaw na kandila. Sa isang table naman ay yung mga pagkain.

Hindi ko inexpect na ganito pala ka-espesyal yung inihandang dinner ni Sandra para sa aming dalawa. I thought it's just a simple dinner at sa kitchen lang kami kakain.

Umakyat na ako sa papunta sa kwarto namin. Pagbukas ko ng pinto ay may mga bote na naman ng alak at nakakalat yung stiletto ni Sandra. Pinulot ko iyon at iniayos.

Nakasandal sa couch ngayon si Sandra at may hawak pa din na bote na may kalahati pang laman. Kinuha ko iyon at tinakpan.

Binuhat ko si Sandra at inihaga sa kama. Bakas sakanya na umiyak siya sahil may tuyong luha sa gilid ng mga mata niya.

Hinalikan ko siya sa noo, "I'm so sorry wifey."

Pumunta muna ako sa cr para maligo tapos ipinagluto ko si Sandra ng breakfast.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon