CHAPTER 34.0

7K 109 4
                                    

ANDREW'S POV

Nagising ako na wala na si Sandra sa tabi ko. Pumunta naman ako sa banyo at sa veranda to check kung nandun siya pero wala, saan naman kaya siya nagpunta?

May text pala sakin si Drake,

"Tagal mo naman bro, nandito na kami lahat sa cottage."

"Nandiyan ba si Sandra?"

"Yap, nakikipagkwentuhan kila Leslie."

"Okay sunod ako."

Hayy. Nandun na pala siya, hindi manlang ako ginising para sabay sana kaming pumunta don.

SANDRA'S POV

Nakatulog pala ako.

Nagising ako na magkayakap kami ni Andrew.

Yung malambot niyang balat at init ng katawan niya...

Yung adam's apple niya...

Yung mapupula niyang labi...

Hayy.

Ayan ka na naman Sandra e.

Mali ito.

Maling-mali dahil pinagkatiwalaan ako ni Seb.

Dahan-dahan akong bumangon at umalis sa kama.

Hindi ko dapat sinisira yung tiwala ni Seb.

Napalingon ulit ako kay Andrew at napahinga ng malalim.

Parang nakaramdam ako ng lungkot at guilt.

Nag-ayos ako at lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko naman sila Trish and Steph na papunta sa cafeteria so inaya na nila ako.

Nagorder kami ng coffee at cupcakes.

Kwentuhan, piktyuran at tawanan.

Tinext na sila ng mga boyfriend nila na pumunta na daw sa cottage. Nakareceive din ako ng text from Leslie.

So pagkatapos naming magcoffee ay pumunta na kami sa cottage.

Busy ang mga lalake sa pag-iihaw habang pinipiktyuran sila ni Leslie.

"Wow. Ang sisipag naman."

Papuri ko.

"Ganto talaga kami Sands. Nasan na si Andrew?"

"Ayun naghihilik pa siya nung iniwan ko sa kwarto."

"Ganun ba, sige I'll text him nalang. Upo muna kayo dyan at magkantahan." Sabi ni Drake.

Unang kumanta si Trish at bumirit ito ng Through the Fire.

"Grabeee! Ang galing bumirit!!"

"That's my girl." Sigaw ni Geoff habang pumapalakpak.

ANDREW'S POV

Naglalakad na ako papuntang cottage when I hear Sandra's voice. Yeah I know it's her.

So, let the music take your mind

Just release and you will find

You're gonna fly away, glad you're goin' my way

I love it when we're cruisin' together

Music is played for love, cruisin' is made for love

I love it when we're cruisin' together

Yung boses niyang sobrang ganda at nakakainlove... Nakakaakit!!

"Andrew!"

"Nasarap tulog ah? Napagod ba pre?"

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon