CHAPTER 21.1

13.2K 234 2
                                    

Hi! sorry I can't put video or pics right now because I'm only using mobile app.

Listen to the song "Hate That I love You", it fits this chapter. Hope you enjoy this! <3

-

SANDRA'S POV

"Wifey, please. Pakinggan mo naman ako oh."

Para akong nanlambot nang yakapin ako ni Andrew kanina. Sinasabi ng utak ko na lumayo na ako sakanya na wag ko na siyang mahalin na wag na akong magpapauto sakanya pero kontra naman yung sinasabi ng puso ko at tinatraydor ako ng reaksyon ng katawan ko.

Yung yakap ni Andrew, yung haplos niya, yung amoy niya. Aarrrggghhh!!! I hate this feeling.

Nagkulong ako sa kwarto ni Andrea dahil kung kakausapin ko pa si Andrew ay paniguradong bibigay din naman ako. Sinubukan ko lang magmatapang kanina pero wala e nagiiiyak pa din ako ngayon.

Bakit ba kasi niloloko mo ako Andrew? Bakit sinasaktan mo ko?

ANDREW'S POV

Nagdrive na ako papuntang bar. Dinamayan ako ni Drake sa paginom dahil ayokong umuwi ng bahay. Ayokong umuwi dahil wala din naman dun si Sandra.

Bakit pa kasi ako nakipagkita kay Cheska??

Hayyyy.

Hindi ko na alam yung gagawin ko.

Nasira ko na naman yung tiwala ni Sandra.

Sana bukas okay na si Sandra, sana kausapin na niya ko.

Sana maging okay na kami.

"Pre."

"Huyy pre gising na!!!"

Nandito na pala kami sa harap ng bahay namin ni Sandra.

"Lasing na lasing ka kanina, ako na yung nagdrive nitong kotse mo. Nasan ba yung remote ng gate? Para maipark ko na to at makuha ko na yung kotse ko."

Antok na antok pa ko, kinuha ko yung remote ng gate at pinindot ito para magbukas.

Magaala singko na pala ng umaga.

"Una na ko pare."

"Sige salamat Drake."

"Okay lang anytime. Itulog mo muna yan, mamaya okay na nyan si Sandra, tiwala lang."

Isinara ko na yung gate tapos umakyat na ako sa kwarto at nagshower.

Matapos maligo ay nahiga na ako sa kama. Akala ko ay makakatulog ako pero hindi kasi naaalala ko pa din si Sandra.

"Wifey, umuwi na tayo please."

"Bitiwan mo nga ako. And please stop calling me wifey, Andrew."

"Wifey please let me explain."

"You don't have to explain Andrew. Malinaw na sakin ang lahat, sumama ka na sa Cheska mo. Hindi naman kita pipigilan."

Sobrang lamig ng pakikitungo ni Sandra sakin kagabi hanggang sa maiyak na lang ako.

T*ngina kasing buhay to oh!

8am na pero hindi pa rin ako nakakatulog. Sobrang sakit na ng ulo ko pero mas nangingibabaw pa din yung bigat na nararamdaman ng puso ko.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko si Sandra.

Ring...

Ring...

Ring...

Yes! Finally! Nagriring na yung phone niya.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon