CHAPTER 35.0

15K 218 13
                                    

SEB'S POV

Weeks have passed at may napansin akong kakaiba kay Sandra.

Hindi naman siguro ako manhid para hindi ko maramdaman yung pagbabago sa kilos niya.

It started a week after Drake's birthday, nung magpunta sila sa Batangas.

I guess something really happened between her and Andrew.

Or I guess may ginawa yung barkada ni Andrew para makapagbalikan sila.

Bihira na siyang magtext ng good morning o mangamusta.

Bihira na siyang matulog dito sa bahay.

Bihira niya na din akong puntahan at kapag magkasama naman kami ay sobrang absent-minded niya.

Hindi na siya masyadong nakakasabay sa mga trip at biro ko.

"Ano ulit yun?" Ang madalas niyang sagot.

Hindi na rin siya nagpapahatid sa akin sa bahay nila dahil madalas ay dala niya yung kotse niya.

I guess I totally lose her.

I think nabawi na siya ulit ng taong totoong nagmamay-ari sakanya, ni Andrew ang asawa niya.

Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive papuntang simbahan.

Nagpark ako ng sasakyan ko at naglakad na papasok ng church.

Lumuhod ako at nagdasal.

"Panginoon, una sa lahat gusto kong humingi ng tawad dahil sa mga kasalanang nagawa ko. I know una palang na hindi tama na pumasok ulit ako sa buhay ni Sandra. Sorry Lord kung nakigulo pa ko sa buhay niya. Sorry. Alam ko din po na hindi matutuwa sila mommy kung buhay pa sila dahil mali tong ginagawa ko."

"Pero nagpapasalamat po ako kasi binigyan mo ko ulit ng chance na maiparamdam ko kay Sandra yung pagmamahal ko at muli kong napunan yung mga pagkukulang ko sakanya nung iwan ko siya. Ngayon po ay hinihiling ko na sana maging masaya siya, ano man po yung maging desisyon niya ay buong puso ko pong tatanggapin dahil from day one palang ay hangad ko na po ang kaligayahan niya."

Tumulo yung luha ko because I admit, nasasaktan ako, pero wala e nagmamahal kasi ako ng totoo. Siguro ay hindi talaga kami ni Sandra ang para sa isa't isa. Na nakalaan talaga siya para sa iba.

"I am also praying Lord na bigyan mo sana ako ng lakas para malagpasan pa yung mga pagsubok na kakaharapin ko sa mga darating pang araw. Ikaw na po ang bahalang magguide sa bawat isa sa amin. Thank you po for everything. Amen."

Nagpunas ako ng luha ko, sinuot ko yung shades ko at naglakad na palabas ng simbahan.

Kahit papaano ay nabawasan yung yung bigat na nararamdaman ko dito sa puso ko.

SANDRA'S POV

I took a quick shower.

Yes very quick lang kasi naligo na ko kanina.

Wag kayo maniniwala kay Seb na mabagal akong kumilos.

Hehe.

Nagbihis na ako at nagayos.

Nagdrive ako papuntang church para humingi ng tawad at ng guidance kay Lord.

Pagpasok sa gate ay naghanap na ako ng parking space. Nang makapagpark na ay bumaba na ako ng sasakyan at naglakad papuntang simbahan.

Naupo muna ako at napatingin sa altar. Siguro kaya ang daming pagsubok ang dumating sa buhay ko ay dahil minsan nakakalimot akong magsimba o magpray.

Lumuhod na ako at nagsign of the cross para magsimulang magdasal.

Parang naamoy ko pa yung amoy ni Seb dito...

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon