CHAPTER 36.0

11.8K 173 5
                                    

SANDRA'S POV

Punung puno ng galit ang puso ko ngayon.

Andrew's acting as if nothing's happened.

Ang kapal ng muka!

Ni hindi manlang inopen yung topic na yun.

Imposibleng hindi niya alam.

I'm sure he's hiding something to me na naman.

Kaya siguro madalas na naman siyang busy at hindi umuuwi sa bahay.

Inuulit na naman niya yung nangyari dati, yung kay Cheska.

Akala ko pa naman ay honest na siya sakin. Ang buong akala ko ay nilagay na niya lahat dun sa 3 pages na letter yung mga hindi ko alam. Pero wala e. Lalake yan e.

Hindi mo na ko mabibilog ulit Andrew.

You're nothing but a womanizer.

Halos manggalaiti na ko sa galit sakanya pero pinipigilan ko lang.

Go ahead, explain to me na hindi mo anak yung dinadala ni Georgina.

Makikinig ako sa mga kasinungalingan mo pero hindi na ako maniniwala pa.

ANDREW'S POV

"Uhmmmm" naginat ako. Umaga na pala.

Teka nasaan si wifey??

Ang aga naman yata niyang nagising.

Niyakap ko yung unan at inamoy amoy ito. Amoy Sandra, sobrang bango.

Miss ko na siya agad.

After ng kasal namin ay magbabakasyon ako for one month para masolo ko ang wifey ko.

Sobrang excited na ko dahil apat na araw nalang ay kasal na namin.

Hayy.

Ang tagal naman lumabas ng cr ni wifey ko.

Bumangon ako para puntahan siya sa cr pero wala siya.

Sumilip din ako sa walk in closet pati sa veranda, wala din siya.

Siguro ay nasa kitchen na siya at naghahanda ng breakfast.

Pagdating ko sa kitchen ay wala naman siya.

Wala din sa pool area.

Nasaan ka ba wifey??

Don't tell me na aalis siya e ang aga-aga. At sasabihan niya ko kung aalis man siya.

Sinilip ko yung garahe at wala dun yung sasakyan niya.

Nasaan ka ba wifey??

Bumalik ulit ako sa kwarto. Wala yung maleta niya.

Tinignan ko ang bawat sulok ng kwarto, umaasang may note galing sakanya, pero wala.

Tinawagan ko yung number niya pero hindi ko ito macontact hanggang sa mapalingon ako sa working table ko. Mayroong envelop na nakapatong dito. Naglakad ako papunta sa table at binuksan ko yung envelop.

Isang papel na naglalaman ng kasunduan ng pagpapawalang bisa ng kasal namin ni Sandra at may pirma niya ito.

No.

Hindi ako naniniwala.

Ano yung pinakitang sweetness sa akin ni wifey kagabi?

Ang sweet niya sakin di ba?

At wala naman kaming pinagawayan para makipaghiwalay siya sa akin.

Saka nagsink in ulit sa isip ko na posibleng napanuod niya yung balita.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon