CHAPTER 30.0

12.2K 202 9
                                    

Hi there ms. @-PlayGirlXD-

Hope you are all safe <3

-

ANDREW'S POV

Good thing kasi nandito pa din si Sandra sa bahay at hindi siya umaalis. Himala at hindi sila magkikita ng Seb niya.

Binilhan ko siya ng ice cream at pizza at syempre mayroon ding bouquet of roses para kahit papaano naman ay lumamig na yung dugo niya sakin dahil sa ninakawan ko siya ng halik na alam kong nagustuhan niya naman. Hehe!

Galing akong office pero umuwi din ako agad kasi wala naman akong gagawin at namimiss ko na si Sandra. Inabutan ko siya dito sa living room at nanunuod ng palabas ni Vice Ganda. Tawa siya ng tawa, natatawa ako sa tawa ni Sandra dahil ang saya niya e, bentang benta sakanya yung mga linya ni Vice.

"Good afternoon." Bati ko.

"Good aftetnoon din. Ahahaha." Binati niya ako habang nanunuod pa din ng tv, nakahawak siya sa tiyan niya at halos maiyak na kakatawa. Ang cute ng asawa ko. Himala at good mood siya! Samantalahin natin.

"For you." Iniabot ko sakanya yung bulaklak, "salamat."

Inilapag ko yung pizza at ice crean sa mini table, kumuha ako ng spoon, plate, baso at maiinom tapos naupo nadin ako sa couch.

Ang sarap titigan ni Sandra habang tumatawa siya. Sana ganito siya lagi, masaya hindi masungit hindi galit hindi mataray hindi malungkot at hindi umiiyak.

Pinaglagay ko siya ng pizza sa pinggan at iniabot ito sakanya.

"Thanks." Walang tigil kakatawa ang isang to. Natatawa din tuloy ako habang kumakain. Matapos ang palabas ay ngayon palang kinain ni Sandra yung pizza. Inilagay niya yung bulaklak sa isang upuan at nagpatuloy sa pagkain ng pizza.

"Bakit ang aga mo yatang umuwi?"

Tanong niya.

"Natapos ko na kasi yung mga gawain ko so I'm free to go. Naisip ko din kasi na wala kang kasama dito sa bahay."

"Okay." Sagot niya habang ngumunguya ng pizza. Iniabot ko naman sakanya yung lemon iced tea tsaka yung ice cream. "Thank you."

"Gusto mo ba?" Alok niya ng ice cream.

"Ah sige pagkatapos mo nalang."

"Pag natapos ako dito ubos na to."

"Okay lang ang mahalaga mabusog ka."

"Sus. Eto na kumuha ka na."

"Sige na ubusin mo na."

"Ang arte mo." Sinubuan niya ako ng ice cream at parang nakaramdam naman ako ng kilig. Ewan ko ba. Nakakatuwa lang kasi hindi niya na to nagagawa sakin simula nung nasira kami, simula nung dumating si Seb sa buhay niya.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

"Yes I am."

Wala man kaming masyadong eye contact e at least kinakausap na niya ko unlike last month na sobrang cold niya at hindi talaga ako kinikibo.

"Aalis pala ko mamaya."

Himala at nagsabi siya.

"San ka pupunta?"

Kahit naman na alam kong kay Seb siya pupunta.

"Coffee lang with Seb."

"Okay ingat kayo."

"Thanks."

Matapos naming kumain ay umakyat na kami sa kwarto. Nagshower na siya at nagbihis.

She's wearing plain white shirt and short shorts. Hindi ko naman na siya mapagbawalan dahil baka magalit na naman siya sa akin at sabihan ako na wala akong pakealam.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon