FINALE

27.2K 347 61
                                    

SANDRA'S POV

Nagising ako na nakahiga ako sa kama sa pagitan nila mommy at daddy.

"Sa wakas gising na ang baby girl namin."

Ang tanda ko ay umiiyak ako kay daddy kagabi, nakatulog na pala ako dahil din siguro sa pagod kahapon.

"Good morning daddy and mommy."

"Good morning din anak. Look oh nagpicture si mommy mo habang natutulog ka. Uploaded na sa facebook niya."

"Mommy talaga."

"Ang cute kasi ng baby girl namin e." Pisilin daw ba yung pisnge ko.

"Halika na at nakahanda na ang breakfast. Kain na tayo."

"Pagkabangon ko ay si baby Matthew agad ang hinanap ko."

"Nasaan po si baby Matthew?"

Nagtinginan sila mommy at daddy.

"Hello.. I'm asking po kung nasaan si baby Matthew?"

"Hmm nasa baba siya kasama ang daddy niya."

"What?!"

"You heard it right anak. May dala siyang mga laruan at gustung-gusto ni baby Matthew. Wala namang masama kung dalawin niya ang anak niya di ba?"

"Okay."

I'm not interested.

"Padalhan nyo na lang po ako ng breakfast dito."

I don't want to see him. Nawala tuloy ako sa mood.

"Alright, as you requested."

ANDREW'S POV

Sobrang excited ako dahil papunta ako ngayon sa mansyon nila Sandra.

May dala akong mga regalo for my son dahil wala akong regalo for his first birthday. Bumili din ako ng bulaklak at chocolates para sa mommy niya. Sana ay magustuhan ni Sandra, susuyuin ko ulit siya sa ayaw man o sa ayaw niya. Muka kasing hindi niya gusto pero magpupumilit pa din ako.

Habang nakikipaglaro sa anak ko ay bumaba na ulit sila tito Matthew at tita Sophia.

"Sorry Andrew mukang wala sa mood ang dalaga namin e." Tumingin si tita Sophia kay tito at natawa silang dalawa.

"I understand po. Maybe someday."

"Sana nga para matuwa itong apo namin, di ba baby Matthew??!"

Ngumiti ang anak ko.

"Kain na tayong breakfast Andrew, iwan mo muna siya kay nanay Esther."

"Ah sige po."

Naupo na kami at nagsimulang kumain.

"Okay lang po ba kung madalas akong dumalaw dito?"

"Oo naman, hindi ka naman na iba Andrew."

"Okay lang din po ba kung ligawan ko ulit ang anak nyo?"

Napangiti si tita Sophia,

"Ako na ang sasagot ng oo di ba daddy?"

"Oo naman, basta promise me na hindi ka na magluluko kung hindi kamao ko ang matitikman mo."

Birong totoo ni tito Matthew.

"Oo naman po. And I also promise na magiging good father ako ni baby Matthew."

"That's good Andrew I know you can and you will."

SANDRA'S POV

Lunch time na pero nandito pa din daw sa mansyon si Andrew.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon