CHAPTER 4.0

18.5K 316 1
                                    

SANDRA'S POV

Dumaan muna ko sa Starbucks at nagtakeout ng kape.

Pagbalik ko sa sasakyan ay tumatawag sa phone ko si Thea...

"Hey sissy!"

"Oh hey sissy, napatawag ka?"

"I just want to apologize because I wasn't able to answer your call last night."

"No it's okay. Ano ka ba, alam ko namang busy din kayo sa pagasikaso work nyo."

"Yun nga sissy e, pero iba yung inasikaso ko."

"Ano naman yan? Parang iba ha?"

"Yes, dumating na kasi si Lance so nagbora kami. Kakabalik lang namin ng Manila ngayon."

"Ahh kaya naman pala. Ganun talaga, pag kasama ang boyfriend, pag masaya na e kinakalimutan na yung mga kaibigan." Sarkastiko kong sabi at kunwari nagtatampo pero ang totoo ay nagbibiro lang ako.

She's talking about her boyfriend, Lance. LDR sila for three years. Buti pa si Lance bumalik na at masayang masaya na naman ang Thea.

I'm also happy for my sissy.

"Sissy naman e... I texted Claire and Andrea. Dyan kami magstay mamaya sa condo mo."

"Hahaha nagbibiro lang ako. Alright see you then. I have an announcement also."

"What's that?"

"Later na Sissy. Osige na nagddrive ako. Love you. Miss you. Bye."

Binabaan ko na siya ng phone.

Mangungulit na naman kasi to hangga't hindi ko pa sinasabi.

Kaya bago pa siya makapagsalita e nagpaalam na ko.

End call agad agad! Haha

Nandito na ko sa elevator ng condo. May nakasabay pa kong magjowa na grabe kung magyakapan at naghahalikan pa.

Sa isip isip ko lang, hello!! May ibang tao kaya dito sa elevator. Kakainis!! Puro salamin kaya tong elevator kaya kahit san ako tumingin kitang kita ko ang paglalandian ng dalawang to.

Hindi makapaghintay? grr

Humigop nalang ako sa kape ko. At kunwari dedma kahit naiirita na.

Good thing hanggang 8th floor lang ang dalawang to.

Pagbaba nila ay may cute guy naman na sumakay.

He's tall.

TDH actually!

As in Tall, Dark and Handsome. hooo!

Hindi siya pumindot ng floor number, does it mean na sa 32nd floor din siya??

Ano kayang room number nito? hahaha just kidding!

Upon reaching the 20th floor ay parang nagluluko ang elevator. Namamatay ang ilaw... pagdating sa 22nd ay biglang huminto.

Nagulat naman kami nitong si cute guy.

"What's happening"

"Relax ka lang miss." Sagot nya in calm voice then he pressed the emergency button.

It was the first time na nangyari to sakin.

"I thought sa movie lang may ganto."

"Akala ko nga rin e." sagot niya

5 mins later wala pa din nangyayari. Naiinis na si Mr. Cute guy. Tumawag na siya sa front desk at naiinis na.

"Ang tagal nyo namang kumilos, maso-suffocate na kami dito ng girl friend ko."

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon