CHAPTER 14.0

14.6K 264 8
                                    


SANDRA'S POV

Good morning world. Kakagising ko lang kaya pagkahilamos at mouthwash ay bumaba na ako dahil nagugutom na ko.

May naamoy akong mabango mula sa kusina. Nandito si Andrew at nagluluto. Sabado nga pala kaya nadatnan ko siya dito sa bahay.

Tumingin lang siya sa akin at hindi ako binayi ng good morning. Okay fine! Hindi ko rin siya kakausapin.

Nagluto siya ng fried rice, corned beef, sausage at itlog.

Hmmm. Mukang masarap. Ang bango kasi e.Kumuha siya ng pinggan at isinalin yung niluto niya.

Ayos ah? Good for one lang. Thank you ha? Thank you.

Kainis.

Dahil gutom na ko e tinamad na akong magluto.

Kumuha nalang ako ng corn flakes at nilagyan ko ng fresh milk.

Kumakain kami ng magkasabay pero hindi talaga kami nagpapansinan.

I tried to look at him pero nakayuko lang siya habang kumakain so yumuko nalang ulit ako.

Ang tahimik. Sobrang awkward.

Tapos na siyang kumain at aba iniwan lang sa sink yung pinagkainan niya.

Matapos kong kumain ay hinugasan ko na yung pinagkainan ko. Bahala siyang maghugas ng kinainan niya. Bwisit eh.

Wala kaming maid dahil yun ang gusto ng parents namin. Para daw matuto kami sa gawaing bahay at ipagluto ang isa't isa. Nagpapapunta lang sila ng maid dito once a week para maggeneral cleaning.

I texted Thea if she's not busy. Makikitambay ako sa condo niya. Ayokong magstay dito sa bahay dahil nandito si Andrew.

Naligo na ako at umalis ng hindi nagpapaalam sakanya.

"So kamusta ang buhay may asawa?" Tanong ni Thea habang kumakain ng dala kong doughnut.

"Ayun hindi masaya." I smirked.

"Masasanay ka din girl and malay mo magkadevelopan din kayo ni Andrew."

"Imposible yun sissy. Alam mo naman yung ginawa niya sakin di ba."

"You'll never know." Binigyan niya ko ng look na nangiinis.

"So how's your first night together sissy?"

Baliw talaga to.

"Duh! Walang honeymoon noh! It would never happen as is NEVER."

"Hahaha e bakit naiinis ka dyan?"

"Wala naiinis lang talaga ako. Hindi kami nagpapansinan. Bihira kaming magkita sa bahay e at alam mo na kanina e nagluto siy ng breakfast pero para sakanya lang."

"Seriously??"

"Yes I'm dead serious Althea."

"Nakakaloka di ba? Hindi talaga kami nagbabatian. Tapos sa kwarto e sa kama siya natutulog tapos ako sa couch."

"Grabe naman yan."

"One year lang naman e siguro kaya ko na magtiis. Sana kayanin ko."

"E bakit kasi hindi ka magsumbong sa daddy mo?"

"Para ano pa sissy e kasal na kami di ba?"

"Hayy. Kung si Seb ang napangasawa mo e happy ever after ka. Teka teka, hindi pa din ba siya nagpaparamdam?"

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon