CHAPTER 7.2

14.5K 279 2
                                    

ANDREW'S POV

Ang aga ko dito sa office. Kailangan ko kasing magready para sa meeting mamaya.

I received a text message from my love,

"Good morning to the most handsome, the person I love the most and the cutest guy on earth. God bless sa work mo today babe. I love you."

Sobrang sarap sa pakiramdam na may magtetext sayo ng ganito. Nakakamotivate.

"Thanks babe. I love you more. See you soon. Mua"

**

Sobrang busy ko nitong mga nakaraang araw.

Umuwi pala si Sandra sa mansyon nila so I decided to go there.

May dala akong bouquet of roses...

Hindi niya alam na pupunta ako dito so nung makita niya ako ay tumakbo siya palapit sa akin.

"I missed you."

"Na-miss din kita ng sobra. For you."

"Thanks babe."

"Walang anuman."

At nagyakapan kami.

"Glad to see that the two of you are happy together." Nandito pala si tito.

"Yes po tito. Good evening po."

"Dad, meet my boyfriend, Andrew."

"Wow at kayo na pala ah."

"Yes daddy. So it's not a fixed marriage anymore."

Pinakita naman ni Sandra yung ring na binigay ko sakanya.

"Well that's good. Hindi na kayo masyadong mahihirapang mag-adjust."

"Yes dad."

"So let's go. Dinner's ready. Saluhan mo na kami Andrew."

"Okay tito, salamat po."

Nasa kitchen pala yung mommy ni Sandra at siya ang nagluto ng dinner.

Kumain na kami at hindi na rin ako masyadong nagtagal at nagpaalam na din ako.

Kung sa condo sana ni Sandra e hindi na ako uuwi. Kaso nakakahiya pag sa bahay ng parehts niya. Haha

Nagpaalam na ako sa parents ni Sandra at sakanya.

I also informed her na magkikita kami nila Drake at Kenneth, iinom kami sa bar ng pinsan ni Sandra kung san kami nagkakilala.

"Okay. Just be good at wag ka magpapakalasing ah?"

"Oo naman. I will text you as long as I get there at kung nakauwi na din ako. I love you."

"I love you too." And I kissed her.

Nagdrive na ako papuntang bar.

Nandon na pala si Kenneth.

Pagdating ko ay sinalubong niya ko at dumating na din si Drake. Busy na naman sa pambababae sina Joel at Geoff kaya wala sila dito.

Dun na kami sa vip area at nagserve na ng beer yung waiter.

"Tol! Long time no see ah?"

"Busy lang these past weeks."

"Wala e ikakasal na ang tsong naten."

Hahahaha

"Cheers"

"Cheers"

"Nakita ko sa Elite magazine yung photoshoot nyo ni Cassandra. T*ngina tol! Jackpot ka dun ah?" - Drake

"Natikman mo na ba tol?" -kenneth

"Mga gago." Sagot ko.

"Ikaw pa ba tol? Andrew Smith yata yan!"

Gago talaga yung dalawang to.

"Actually kami na."

"Bilis ah?" -Kenneth

"Lupit mo talaga tol." - Drake

"Yes. And seryoso ko sakanya. Masaya ko pag kasama ko siya and I guess mahal ko na talaga siya. Mahal na mahal."

"Well that's good. At least naka move on ka na talaga from Cheska di ba?"

"Yes." Proud kong sabi.

"Ngayon na lang ulit kita nakitang ganyang kasaya tol."

"Sana tuluy tuloy na yan."

"Oo at wala na kong planong gumawa ng contract. Tototohanin na talaga namin yung kasal."

Nagvibrate yung phone ko,

"Baby, hinay hinay lang sa paginom. I love you."

"Yes babe, I love you too."

"Nangingiti ngiti ka pa dyan tol." - Drake

"T*ngina in love ang pare ko ah?"

"Yes I am."

By 11:30pm ay umuwi na ako. Ang aga kasi good boy na nga ako di ba?

Tinawagan ko si Sandra habang nagdadrive ako.

"Hello baby."

"Hello."

"Nagising ba kita?"

"No. Hindi pa ko natutulog."

"Pauwi na ko."

"Good. Magiingat ka sa pagdadrive. I love you."

"Yes babe. I love you too. I'll call you later. Bye."

Good boy na ko.

Kanina ay may lumalanding babae nung nasa bar pa kami nila Drake. Sexy siya pero mas sexy pa din yung babe ko. Hindi ko na pinansin kahit na ang kulit kulit.

"Naks tol, nagbago ka na talaga ah?" Pang aasar ni Kenneth.

"Oo naman tol. Hindi dapat niloloko ang isang Cassandra Williams."

Nandito na ako sa unit ko. Nakapagshower na din and ready to sleep.

Tinawagan ko na si Sandra para mag goodnight but hindi niya sinagot.

Nakatulog na siguro.

I can't wait to see her and spend time with her again. Pupuntahan ko nalang siya bukas.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon