CHAPTER 4.1

17.4K 281 1
                                    

SANDRA'S POV

So I found a new friend, Nikko. Si Mr. Cute guy slash Tall Dark and Handsome sa elevator. At isang kembot lang yung unit niya sa unit ko.

May kaunting lagnat padin ako kahit na nakainom na ulit ako ng gamot.

Kaya siguro ako sinamaan ng pakiramdam dahil sa pagkakaligo ko kanina.

Nagcr ako para maligo. Yes maliligo ulit ako lukewarm water naman gagamitin ko para di ako ginawin. Bahala na kahit may lagnat pa ko, di pa naman siguro ako kukuhanin ni Lord kasi hindi naman ako masyadong mabait.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nagring ang phone ko.

Andrea's calling...

"Papunta na kami sa condo mo sissy!"

"Alright ingat kayo, pakibilisan kailangan ko ng mag aalaga sakin dahil may lagnat ako."

"Thea bilisan mong nagdrive may lagnat ang prinsesa." narinig kong sabi ni Andrea kay Thea at nagtawanan silang tatlo.

"Hahaha wait lang sissy malapit na kami. Lalake lang katapat ng lagnat mong yan."

"Baliw! haha"

"Alamoyan girl! haha see you in a bit. Love you."

"Love you too. Ingat kayo. mmua."

Nagblower muna ako ng buhok.

After 10 minutes ay may nagdoorbell na.

Aba ang bilis ng mga to ah?

"Sissy!!!"

Bati agad ni Claire.

"Akala ko nasa kotse pa kayo?"

Nagyakapan kaming apat.

"Syempre basta sa chismisan dapat mabilis."

"So ano na yung announcement mo girl?" atat na sabi ni Thea.

"Hindi pwedeng pumasok muna Thea? Chismis agad?" banat ni Andrea.

Hahaha. Mga kaibigan ko talaga.

"Come in girls."

Inilapag nila sa table yung mga dala nila at nagsiupo na sa couch.

May dala silang pizza, doughnut, pasta at wine.

"Wow, diet lang girls?" pabiro kong sabi

"E syempre bumabawi lang kami sayo." sagot ni Claire.

"Asus. Okay lang yun noh." sagot ko naman.

"So ano na nga ang announcement sissy?" atat na talaga si Thea.

"Thea talaga oh!"

"Are you pregnant sissy?" banat na naman ni Thea.

"You're crazy!! Wala ngang boyfriend tapos preggy agad?"

"Ano na nga kase?" pilit niya.

Kumuha si Andrea ng baso at plates then si Claire ay inabutan ako ng pizza, si Thea naman ay nagsalin ng wine.

"Ang sweet nyo talaga noh" sabi ko.

"Ngayon lang girl kasi may sakit ka.hahaha" pambubully ni Andrea.

"So sana pala lagi akong maysakit ganon?"

"Ay wag naman girl baka mapano ka nyan di namin kakayanin."

Naggroup selfie muna kami at inupload agad ni Claire sa instagram niya, kakaupload lang 400likes agad. Well, sabi ko naman sa inyo, we're all beautiful and sexy! hihi and we graduated from a famous school and kilala din ang mga family namin dahil sa successful business.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon