CHAPTER 16.0

17.2K 249 6
                                    

Days have passed at naging close na ulit kami ni Andrew. Hindi man kami yung tulad ng dati na naga-I love you or I miss you, hindi din yung nagkikiss or hug pero naging close kami in a way na madalas kaming naguusap at nagkukwentuhan. Then kapag manunuod ako ng tv sa living room e tatabi siya sakin sa couch, minsan ay idadantay niya yung ulo niya sa balikat ko tapos makakatulog siya.

Kapag may problema siya sa office ay inoopen niya sakin tapos humihingi siya ng advice sakin, para tuloy kaming magkaibigan ngayon, parang magbest friends, ganun. Siguro okay na yung ganto di ba? Kesa naman yung mafall na naman ako tapos maiwan lang ako sa ere. Ngayon kasi malinaw na sakin na mahal niya talaga si Cheska at wala na akong lugar sa puso niya.

Nag-aya siyang manuod ng movie ngayon so nagmicrowave ako ng popcorn. Pagbalik ko sa entertainment room namin ay hawak niya yung phone ko. Bakit kaya?

Iniabot niya sakin yung phone,
"Tumatawag si Joel kanina."

Kinuha ko yung phone ko, nay text si Joel.

"Nangangamusta lang."

"Nagkakatext pala kayo?"

"Oo. Minsan." Sabi ko. Bigla namang tumahimik so iniba ko yung usapan para naman di awkward.

"Pili na tayo ng movie." Sabi ko.

"Anong gusto mo ba?" Tanong niya.

"Gusto ko yung horror movie."

"What?!" Gulat niyang tanong.

"Bakit? Hindi ka ba nanunuod ng horror movie? Don't tell me naduduwag ka."

"Sus. Di noh."

"Hahaha. Sige panuorin nalang natin tong Annabelle, yung doll sa Conjuring."

"Sige. Baka di naman ako matakot dyan."

"Let's find out." Sabi ko habang natatawa.

Intro na ng movie,

"Nililigawan ka ba ni Joel?" Tanong ni Andrew.

"Hindi noh. Friends lang kami ni Joel."

"Okay. Pero kung liligawan ka niya, gusto ko dito ka magpaligaw sa bahay."

"Friends nga lang kami."

"Dun na din papunta yun. Type na type ka ni Joel e."

"Ewan."

Nagpatuloy na kami sa panunuod.

Talagang pinupush ako ni Andrew kay Joel ah? Okay. Bahala na kung anong mangyayari. Ayoko na munang mag isip.

ANDREW'S POV

Katext at katawagan pa din pala ni Sandra si Joel. Akala ko pa naman tinigilan na siya ni Joel simula nung gabing nasapak ko siya. Siguro nga gusto na din siya ni Sandra, siguro malabo ng mainlove sakin si Sandra. Pero okay na yung ganito na parang magkaibigan kami. Okay na yung ganito na nagpapansinan kami at close na kami ulit na nakakapag open up ako ng problem sakanya at the same time nakakahingi ako ng payo sakanya.

Hanggang ngayon ay wala pa ding text si Cheska sakin. Natitiis niya ko na hindi itext, hindi ba niya ko namimiss? Namimiss ko na kasi siya, yung paglalambing niya.

SANDRA'S POV

"Bullsh*t!!!" Napasigaw si Andrew, nagulat kasi siya nang may lumabas na lady in white mula sa madilim na kwarto.

"Hahahahaha." Tawa ako ng tawa.

"Bakit ka tumatawa?" Irita niyang tanong.

Hindi ako sumasagot at tawa lang ako ng tawa.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon