CHAPTER 17.0

13.7K 245 10
                                    



SANDRA'S POV

Dito muna ako nagstay sa condo ko. Sobrang sakit na naman ng nararamdaman ko dito sa dibdib ko. Hindi na muna ako uuwi sa bahay. Magpapalipas muna ko ng mga araw. Nasabi ko na kay Andrew na mahal ko siya na nagseselos ako kapag pinapahalagahan niya si Cheska tapos ako binabalewala niya lang.

Tsss. Bakit ko ba nasabi yon?? Wala na tuloy akong mukha na ihaharap kay Andrew. :( Hindi na muna talaga ako uuwi sa bahay.

ANDREW'S POV

Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi pa din umuuwi si Sandra. Gusto ko siyang tawagan pero hindi ko magawa dahil alam kong galit pa din siya sakin. Baka ayaw niya kong kausapin, baka kailangan pa niya ng space.

Bakit ba kasi ang selfish selfish ko? Bakit hindi ko siya pinapahalagahan gayong nagseselos naman ako kapag nakikita kong may kasama siyag iba?

Nagtext sakin si Daddy na dito daw sila maglalunch ni mommy. Paalis na daw sila in few minutes at wag na kaming magabala pa ni Sandra sa pagluluto dahil magdadala sila ng pagkain. Anong gagawin ko? Pano akong magdadahilan e wala dito si Sandra.

I'm texting Sandra pero hindi siya nagrereply. Tinatawagan ko din siya pero hindi naman siya sumasagot. Ano nabang gagawin ko?? :(

Ilang sandali pa ay narinig kong may nagdodoorbell. Sila mommy na pala. Binuksan ko yung gate para maipasok ni daddy yung kotse.

"Good morning hijo."

"Good morning ma, good morning pa."

"Nasan si Sandra?"

"Ah e baka po hindi makarating."

"Bakit? Nasaan pa siya?" Tanong ni daddy.

"May pictorial po e, kaninang madaling araw pa siya umalis."

"Ganoon ba? Halina at kumain na tayo. Pinagdala ko din kayo ng cake at ice cream."

"Thank you po mommy."

"Baka naman makahabol pa siya, ang sarap pa naman nitong dala namin."
Sambit ni daddy.

"Sana nga po, pero tinext ko naman na siya. Busy palang po siguro kaya hindi makapagreply."

Pumasok na kami at naghain na kami ni mommy sa dining area. Nagsisimula na kaming kumain nang...

"Good afternoon po mommy and daddy. Sorry if I'm late." bumeso si Sandra kay mommy at nagmano kay daddy, hindi kasi nagpapamano si mommy.

"Good afternoon hubby."Nagulat ako nang halikan ako ni Sandra sa pisnge.

Nakangiti siya sakin, napakaganda niya at napakabango. Namiss ko siya, hindi tuloy ako makapagsalita dahil nagulat ako nang dumating siya.

"Good afternoon din wifey." I stuttered.

Naupo si Sandra at inayos yung plate niya.

"Sorry po, late po kasi natapos yung meeting kaya na-late ako ng dating."

"I thought sa pictorial ka galing? Yun ang sabi ni Andrew kanina."
Tanong ni mommy.

Nagkatinginan tuloy kami ni Sandra.

"Ah I mean.." Magpapalusot pa sana ako nang ibaba ni Sandra yung kamay niya at hinimas yung hita ko,

"Yes po mommy may pictorial ako kanina then after that ay dumiretso po ako sa meeting sa office tapos may inapprove pa po akong papers kaya natagalan po ng kaunti. Pasensya na po ulit." Then she smiled.

"It's okay, ang mahalaga ay umabot ka at nagkasabay sabay tayong kumain."

"Opo. Ang sarap po nitong food, sino po ang nagluto."

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon