CHAPTER 24.2

11.3K 185 12
                                    


SANDRA'S POV

"What do you need Cheska? Di ba sinabi ko na sayo na tapos na ang lahat satin??"

Buti nga sa Cheskang to, arte e. Kairita.

"Ooh. Ang sungit mo naman Andrew. Para namang wala tayong pinagsamahan."

Duuuh! Guard please pakilayo nga sakin yung maarteng to.

"Pwede ba, layuan mo na kami Cheska."
Inis na sabi ni Hubby sakanya.

"Okay fine. Relax. Gusto ko lang namang ibalik sa'yo to e."

Ano naman kaya ang ibabalik niya kay hubby?? Tsss.

Inilapag niya yung relo ni Andrew sa lamesa, yung katulad ng relo na ibinigay niya sa akin. Paanong napunta kay Cheska yon???

"Eto oh, naiwan mo kasi last night sa condo ko."

Nagsimula ng magconclude ang utak ko at ang hindi ko kinaya ay kung bakit may kasama pang condom yung iniabot niyang relo.

Condo??
I thought sa office nagstay si Andrew.
I thought may emergency kasi kaya hindi na siya nakauwi.
Kaya hindi siya nakasipot sa surprise dinner na inihanda ko para sakanya.
I thought..

Hindi ako makapagsalita.
Parang hindi ako makagalaw.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

Hinawakan ni Andrew yung kamay ko,

"Wifey, let me explain."
He stuttered.

"Bye. I have to go." Ngumiti si Cheska at tumalikod na palayo sa amin.

Nanginginig yung kalamnan ko.
Gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak.

BUT NO, NOT THIS TIME. NOT IN FRONT OF ANDREW.

"It's not what you think wifey."
Bakas sa muka niya ang pagaalala.

No Andrew, malinaw na ang lahat sa akin. All this time pinaglololoko mo lang ako.

Tama na.

Please.

Ang sakit sakit na.

Wala akong binitiwan kahit isang salita at nagmadali na akong lumabas ng resto.

Hindi ko alam kung paanong sa ilang segundo ay nakalabas kaagad ako, na nakasakay na agad ako sa taxi.

"Saan po tayo Ma'am?"
Tanong ng taxi driver.

"Sa 75th ave bar po."

Tanging bar lang ang takbuhan ko ngayon.

Hindi sa bar ng pinsan ko ngunit sa bar ng college friend ko.

Gusto kong magpakalasing, gusto kong makalimot. Bahala na kung anong mangyari sa akin. Sana nga hindi na ako magtagal sa mundong ito. Hindi ko na talaga kaya ang sakit.

Kuhanin mo na lang ako Lord, please. :'(

Bumuhos na ang luha ko.

Nagbayad na ako sa driver at pumasok na sa loob ng bar.

Nagdiretso ako sa bar counter and I told the bar tender to give me unlimited shots, yung hard.

Habang umiinom ay nagflashback lahat sa akin yung mga ginawa ni Andrew.

Yung bigla nalang siyang hindi sumasagot ng tawag at nagtetext,
yung may kalandian siyangbabae sa bar, yung nalaman ko na may balak siyang hiwalayan ako kapag 1 year na kami. Yung naging okay kami tapos biglang may kasama siyang babae na girlfriend niya pala, na inabutan ko pa silang nagsesex sa pamamahay namin.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon