ANDREW'S POVIlang araw na ang nakalipas simula nung umalis si Sandra dito sa bahay. Wala ba talaga siyang balak umuwi?
Napapagod na akong tawagan siya dahil hindi ko naman siya ma-contact. Siguro inilagay niya ako sa blocked lists ng contacts niya.
Umuwi na ako sa bahay, nagtakeout nalang ako ng pagkain dahil wala akong ganang magluto, wala din naman si Sandra at ako lang mag-isa ang kakain.
Matapos kumain ay nagpahinga lang ako at nagshower na. Maya-maya pa ay narinig ko yung tunog ng kotse ni Sandra kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto para salubungin siya. I badly miss her. Napatawad na niya kaya ako?
Pababa ako ng hagdanan nang makita ko siyang may kasamang lalake. Kasama niya yung Sebastian, dinala niya yung boyfriend niya dito sa pamamahay namin. Paano kung pumunta dito sila mommy? Paano kung makita sila nung parents namin? Ano nalang ang sasabihin nila?
Bakit nung si Cheska yung dinala mo dyan sa bahay nyo e di mo naisip yan Andrew? Kalokaaa!
"Good evening." Bati sakin nung Sebastian.
Ano namang maganda sa gabi? Nangiinis ba to?
Magkaholding hands pa sila ng asawa ko."Anong gusto mong kainin prinsipe ko? Ipagluluto kita."
"Gusto ko ng chicken adobo, with love prinsesa ko."
Nag-uusap sila na parang walang ibang tao. Na parang wala ako dito.
At ang korni ng tawagan nila. May pa-prinsipe-prinsesa pang nalalaman. Mas okay pa din yung wifey at hubby namin ni Sandra. Di ba?!
Ni hindi manlang ako pinansin ni Sandra, hindi manlang tinanong kung kumain na ba ako ng dinner. Buti pa yung Sebastian na to ipagluluto pa niya ng adobo.
Umakyat na ako sa kwarto dahil ayoko na silang makita. Nasasaktan ako na yung asawa ko ay nakikipaglambingan sa iba.
Yun nga lang na nakikipagsayawan siya dati kay Joel ay sobrang nagselos ako. Pero ngayon bakit wala akong magawa? Alam kong asawa ko si Sandra pero bakit parang hindi na siya sa akin, parang wala na akong karapatan sakanya?Kinabukasan ay gumising ako ng maaga para pumasok sa opisina. Nadatnan ko silang dalawa na magkatabing natutulog sa couch. Nasa ibabaw ni Sebastian si Sandra at nakapatong yung ulo ng asawa ko sa dibdib niya at mahimbing na natutulog.
Parang dinudurog ang puso ko sa mga nakikita ko.
Umalis na ako at pumunta na sa opisina. Hindi ako mapakali, hindi ako makapagisip ng tama, sobrang absent-minded ko. Pinacancel ko ang mga meeting ko ngayong araw at naghalfday lang ako. Tinawagan ko si Drake at nagkita kami sa bar para uminom.
"Tol, long time no see."
Bati sa akin ni Drake.Tinanguan ko lang siya at humanap na kami ng mauupuan at nagorder ng alak.
"Kamusta na kayo ni Sandra?"
"Hindi mabuti tol."
"Ano bang nangyari?"
DRAKE'S POV
Nagkita kami sa isang bar ni Andrew, nagaayang uminom. Mukang may matinding problema ang kaibigan ko.
"Hindi ko alam kung magkakaayos pa kami ni Sandra."
"Ano na naman ba kasi ang nangyari tol? I thought sobrang okay na kayo."
"Yun nga e. May nangyari kasi. Akala ko ayos na ang lahat akala ko hindi na kami magkakagulo. Pero may nangyari e. Si Cheska kasi."
"Si Cheska na naman? Ano ka na naman tol?!" Inis kong tanong. Bakit kasi hinahayaan pa niyang pumasok ulit sa eksena si Cheska e ang saya na nila ni Sandra."
BINABASA MO ANG
Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18*
RomansaMinsan kung kailan nagmamahal tayo ng totoo at buong buo saka tayo lolokohin ng taong mahal natin. Minsan akala mo siya na pero hindi pala. Minsan pinasaya ka lang akala mo seryoso na. Ang tanga lang. Ang tanga tanga ko. Bakit kasi nagtiwala agad ak...