CHAPTER 37.0

17.4K 251 20
                                    

SANDRA'S POV

"Eto na yung request ng paborito kong alaga."

"E syempre nanay Esther, wala ka ng choice kasi ako lang ang alaga mo."

"Oo nga pala."

Nagtawanan kami ni nanay Esther.

Kakainin ko na sana yung niluto niyang arrozcaldo nang...

"Nanay Esther?"

"O bakit?"

"Sobrang sakit po ng tyan ko, manganganak na po yata ako."

"Ha? Nako! Sandali lang hija."

Natataranta na si nanay Esther. Tinawag niya yung maid at nagpakuha siya ng taxi. Wala kasi yung driver namin.

Nang makatawag na ng taxi ay inilalayan nila ako palabas ng bahay at sa pagsakay sa taxi.

"Ayusin mo yung mga gamit ni ma'am Sandra, tatawagan nalang kita mamaya kung nasaang ospital kami."

"Osige po."

"Aahhh"

"Ouch"

"Anak, okay ka lang ba?"

"Hindi po nanay Esther. Sobrang sakit na po. Uuuh"

"Sandali nalang, malapit na tayo sa ospital."

ANDREW'S POV

Habang nasa office ay nakaramdam ako ng kaba.

Hindi ko alam kung bakit pero sobrang strange sa pakiramdam.

Ano kaya ang nangyayari sa akin??

Hindi na muna ako uminom ng kape dahil baka mas lalong bumilis ang heartbeat ko.

Napatingin ako sa picture naming dalawa ni Sandra sa table ko.

Kamusta na kaya siya?

Sana ay okay lang siya kung nasaan man siya.

I guess may alam ang mga magulang niya kung nasaan siya at nililihim lang nila sa akin dahil galit pa din si tito sakin hanggang ngayon.

Nagsusulat ako ng letter ngayon at ipapadala ko ito sa bahay nila Sandra.

Simula nung araw na umalis siya sa bahay ay palagi akong nagpapadala ng sulat sa bahay nila. Alam kong naroon lang siya at umaasa ako na mababasa niya lahat ng sulat na pinapadala ko.

SANDRA'S POV

"Ang cute ng apo ko, mana sa lolo."

"Baka mana sa lola." Tutol ni mommy.

Nakalabas na ko ng ospital at nandito na ulit ako sa bahay namin. Nang malaman nila daddy na manganganak na ako ay nagpabook agad sila ng flight going to Singapore.

Nakakatuwang pagmasdan sila mommy at daddy habang kinakausap ang baby Matthew Jacobs ko.

"Mana sa gwapong lolo at magandang lola." Sagot ko naman.

Nagtawanan tuloy kaming lahat dito sa kwarto ko.

"Ano ang ipapangalan mo? Gusto ko sunod sa pangalan ng lolo."

"Yes dad. I decided to name him Matthew Jacobs."

"Nice name pero bakit may Jacobs pa?"

"Daddy"

"Oo sabi ko nga nice name di ba mommy?"

"Yes daddy."

Siguro nagtataka si daddy bakit may Jacobs e surname ni Seb yun. E bakit ba, yun ang gusto ko.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon