CHAPTER 25.0

13.2K 210 22
                                    

Hi to miss @pammy019 super votes. thank you! <3
-

HERO'S POV

"Waaaaag!!!"

"Stop it please!"

"Let me go!!!"

Nagising ako dahil sa sigaw ni Sandra, I guess she's having a nightmare.

Hinawakan ko yung kamay niya,
"I'm here babe,hush, you're safe now."

Niyakap ko siya at hinimas himas yung likod niya. Umiiyak siya ngayon at parang dinudurog yung puso ko sa tuwing makikita ko siyang umiiyak. Kung noon ay wala akong magawa, ngayon ay hindi na. Gagawin ko ang lahat para masiguro kong hindi na siya iiyak at hindi na siya masasaktan muli.

SANDRA'S POV

Akala ko katapusan ko na, panaginip lang pala.

Nagising ako na umiiyak, sobrang bigat ng pakiramdam ko, buti nalang ay nandito si Andrew sa tabi ko at niyakap ako.

Nagflashback yung mga nangyari kagabi, na muntik ng may mangyaring masama sa akin at buti na lang ay may nagligtas sa akin.

Nagligtas?
Sino yung kayakap ko ngayon?

What?! No. This can't be Andrew.

May lalake nga palang bumuhat sa akin kagabi at inilabas ako mula sa kotse nung dalawang manyak.

"I'm here babe,hush, you're safe now."

Tumingala ako para makita yung muka ng katabi ko.

"Hero?"

Nakita ko kasi yung balbas at bigote niya. Naalala ko yung itsura niya nung dinner party, kasi nakamaskara kami parehas nun. Nakatingin lang siya sa akin at hindi sumasagot.

Umupo ako para mas makita ko siya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Katulad ng magsayaw kami ni Hero sa dinner party o mas matindi pa. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Yung maamo niyang muka, yung maganda niyang mata, matangos na ilong at mapupulang labi.

Lumibot yung mata ko sa buong kwarto.

Yung kwarto na to na puno ng alaala naming dalawa.
Yung kwarto na to kung saan sabay kaming natutulog, kung saan nagkukwentuhan kami ng puro kalokohan hanggang sa umabot ang hating gabi, kung saan nakakatakas ako mula sa kalungkutan kapag nagtatampo ako kila mommy at daddy. Yung kwarto na to na puno ng saya at tawanan namin. Lahat ng alaala ay biglang bumalik.

Hindi ko na napigilan yung mga luha ko sa pagbagsak. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw. I'm still in shock. Hindi pa din ako makapaniwala.

Umupo din siya at yumakap sa akin.

Hindi maaring mangyari to.

Bakit???

Bakit ngayon ka lang dumating Seb???

"I'm sorry my princess. I'm sorry."

Patuloy lang ako sa paghikbi. Tinitignan ko lang siya habang umiiyak ako.

"My princess", yung tawag sakin ng prinsipe ko, ng taong minahal ko, ng taong una kong minahal, ng taong palagi akong pinapasaya, ng taong never akong sinaktan.

Isang beses niya lang akong sinaktan nung iniwan niya ako. Yung isang beses na yun na dinala ko ng higit sa limang taon. Na hanggang ngayon ay ramdam ko pa din yung sakit.

Bakit kailangan pang mangyari sakin ang lahat ng ito???

Bakit???!!

Bakit kailangang maramdaman ko lahat ng ganitong sakit?? Ang panghihinayang??

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon