THEA'S POVI still can't believe na magagawa ni Andrew yun sa kaibigan ko.
I know it's painful.
Kitang kita ko sa mga actions at gestures ni Sandra na mahal na niya si Andrew.
Tapos ganito?
Pinaasa niya lang yung kaibigan ko.
Mga lalake talaga.
I'm praying na safe si Sandra ngayon.
I tried calling her for so many times pero hindi niya sinasagot yung tawag ko.
"Thanks for the drinks guys. Nice meeting you all." Pagkasambit ni Sandra I know something wrong is going on. I know she said it sarcastically.
"Excuse us." I said at umalis na kami.
Hindi na siya nakapagpaalam pa kila Claire. Ako na daw ang bahalang magkwento. Hayaan ko muna daw siyang mapagisa.
Wala na akong nasabi.
Hindi ko na rin siya napigilan.
Kinuwento ko lahat kina Claire at Andrea yung mga nangyari.
Gulat na gulat din sila.
Sandra is a type of friend na magsasabi na okay lang siya pero ramdam namin na hindi siya okay.
Kung hindi namin siya pipiliting ilabas yung nasa loob niya e hindi siya magkukwento, pero pag nagkwento naman ay wagas.
Kakamove on niya lang sa past relationship niya with Seb, akala namin magiging masaya na yung kaibigan namin tapos ganito.
Napakasakit. Nasasaktan kami para sa kaibigan namin.
Lord, ikaw na po ang bahalang magguide sa kaibigan namin. Please keep here safe.
SANDRA'S POV
Minsan kung kailan nagmamahal tayo ng totoo at buong buo saka tayo lolokohin ng taong mahal natin.
Minsan akala mo siya na pero hindi pala.
Minsan pinasaya ka lang akala mo seryoso na.
Ang tanga lang.
Ang tanga tanga ko.
"Don't worry Joel one year lang naman ang hihintayin mo tapos pwede mo ng ligawan si Sandra."
"Iinform mo ko tol kapag napirmahan na ni Sandra yung contract ah? Kapag maghihiwalay na kayo para maligawan ko na siya."
I suddenly feel an unexplainable pain upon hearing those words.
I don't know what to do.
Sino ba naman kasing maiinlove sa taong ilang weeks mo palang nakasama?
Bakit kasi nagtiwala agad ako.
Napakasakit.
Sobrang sakit.
Parang may kung anong tumutusok sa dibdib ko.
I tried to act normal as if hindi ako nasasaktan dahil sa narinig ko, nakipagngitian pa ko sa mga kaibigan ni Andrew.
I am being sarcastic again.
Hindi ko na kinaya yung sakit kaya nagpaalam na kami ni Thea.
Hindi ako makahinga ng maayos.
Hirap na hirap akong kumilos.
Nagmadali akong magdrive pauwi ng condo.
Pagpasok ng unit ko ay bigla nalang akong napaupo sa sahig at napahawak sa dibdib ko.
Bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan sa pagbagsak..
Umiiyak ako kahit hindi naman dapat.
Umiiyak ako kasi hindi ko deserve yung ganitong sakit.
Bakit ba kasi nangyayari to?
Parang ayoko ng mabuhay dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Pumasok ako sa cr at nagshower.
Sabi nila it would help to ease the pain kapag iniyak mo lahat habang nagshoshower ka.
Hindi ko na nakuhang alisin yung damit ko.
Napasandal nalang ako sa wall habang nababasa ng tubig mula sa shower.
Sabay ng pagpatak ng tubig mula dito ay ang pagbuhos ng luha ko.
Sobrang sakit.
Bakit Andrew?
Bakit mo nagawa sakin to?
Ano bang nagawa ko sayo?
After all those efforts...
Sweet talks...
Hugs and kisses....
Mga bulaklak...
Lahat...
Naging tayo...
Nagmahalan tayo..
Nagmahalan nga ba o ako lang ang tanga na nagmahal?
You made me feel special tapos ganito lang pala?
Kinuha mo lang yung loob ko?
Tapos ano? Pag kasal na tayo at mahal na mahal na kita saka ko malalaman na kalokohan lang pala ang lahat.
Those are some of the questions on my mind that are looking for answers.
Napakasakit talaga.
Napatingin na lang ako sa salamin matapos kong magshower.
"Do I deserve all these shits?"
I look miserable.
I am so wrecked right now.
Minahal ko siya tapos ganito..
Alam niyong mahal ko na si Andrew.
I thought siya na yung magpapasaya sakin...
Pareho lang pala sila ni Seb.
Bakit sila ganun... Bakit?
Bakit sa lahat ng babae sa mundo e ako pa yung sinaktan nila?
Well siguro nga ayos na din yung ganito.
Na nalaman ko yung plano niya hangga't maaga pa.
Nakatulog na ako sa sobrang sama ng loob.
Nagising na lang ako nang tumama na yung tindi ng sikat ng araw sa muka ko..
Sana hindi nalang ako nagising.
Ramdam ko pa din lahat ng sakit.
Kuhanin mo nalang ako Lord.
Please.
BINABASA MO ANG
Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18*
RomanceMinsan kung kailan nagmamahal tayo ng totoo at buong buo saka tayo lolokohin ng taong mahal natin. Minsan akala mo siya na pero hindi pala. Minsan pinasaya ka lang akala mo seryoso na. Ang tanga lang. Ang tanga tanga ko. Bakit kasi nagtiwala agad ak...