My vision got blurry because of this stupid tears.
And here it goes the stupid rain. Nakisabay pa talaga. Ang hirap tuloy magdrive.
Papunta ako sa bar na palagi naming pinupuntahan ng girl friends ko. 130kph ang takbo ko. I don't care kahit gabi o umuulan. Wala akong pakialam kung anong mangyari sakin. I just hate the world tonight.
Tinatawagan ko sila Thea, hindi naman sumasagot. Mga busy siguro o tulog na.
Ako na lang mag isa ang iinom ngayong gabi. Bahala na kung malasing ako.
Bahala na kung anong mangyari sakin.
Pagpasok ko sa bar ay as usual marami na namang tao. The last time I was here ay sobrang saya ko dahil kasama ko ang friends ko. Ngayon malungkot ako, malungkot na mag isa pa. What a life.
Nagrequest ako sa bartender ng hard para malasing agad ako. Gusto kong makalimot. Gusto kong makatakas mula sa sakit at inis na nararamdaman ko ngayon.. sa galit. sa poot.
ANDREW'S POV
Nandito ako sa bar ngayon, as usual naglalasing at kasama ko sila Drake at Kenneth.
"Mga tol, do you still remember si Ms. Taray from last week?"
"Oo naman tol. Yung sexy at maganda na type na type ni Joel." Sagot ni Kenneth
"Yes, she is."
"Don't tell me Andrew naikama mo na din yun?" tanong naman ni Drake.
"Hindi noh. Never mangyayari yun tol."
"Oh e anong meron sakanya? Type mo noh? In denial ka lang last week." sagot ni Kenneth habang nilalagyan ako ng alak sa baso ko.
"Ewan ko sa inyong dalawa."
"Ano nga kasi, para ka namang babae ang daming ligoy."
"Believe it or not, she's the one I'm going to marry."
"Whaaaat??!" sabay na tanong ng dalawa at muntik pang masamid
"Yes she really is. I met her and her family kanina sa mansyon nila."
"Ang swerte mo naman tol, ang sexy at ang ganda kaya nya. Aminin mo natapakan lang ang pride mo last week kaya mo sya sinabihan ng di maganda."
"Yes I admit maganda at sexy sya, sobrang taray nga lang. Di ko alam kung magkakasundo kami."
"I bet maiinlove ka din sakanya." Sabi ni Kenneth
"Di rin. Pag nakuha ko yung mana ko makikipagdivorce din ako sakanya."
"Wag kang magsalita ng tapos pare, you'll never know."
"Oo nga tol, why don't you let yourself to fall in love with someone else? And since papakasalan mo naman sya, bakit di ka nalang mainlove sakanya? Natuturuan namang magmahal ang puso kung minsan." Sagot ni Drake
Napatahimik ako at napaisip saglit. Naalala ko kasi yung sinabi ni Drake kanina nung magkausap kami sa phone.
"It's time to move on, pare. May iba na si Cheska at ikakasal na din sya. Bakit di mo naman subukang paligayahin ang sarili mo?"
Si Drake ang nagbalita sakin na ikakasal na si Cheska.
Si Cheska na nagiisang babae na minahal ko.
Si Cheska na sineryoso ko.Ibinigay ko lahat sakanya, oras ko, pagmamahal ko, lahat ng materyal na bagay.
Hindi ko alam kung anong nangyari.
BINABASA MO ANG
Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18*
RomansaMinsan kung kailan nagmamahal tayo ng totoo at buong buo saka tayo lolokohin ng taong mahal natin. Minsan akala mo siya na pero hindi pala. Minsan pinasaya ka lang akala mo seryoso na. Ang tanga lang. Ang tanga tanga ko. Bakit kasi nagtiwala agad ak...