CHAPTER 29.0

15.2K 240 65
                                    

Hi @PurplePrincess28 @pammy019 @MaricelMotang and @cottonpillows24 !!

-

SANDRA'S POV

I'm on my way to Seb's house, 9:30pm na at sana ay hindi siya magtampo. Sabi ko pa naman ay sasaglit lang kami ni Andrew. Hindi kasi kami nakaalis kaagad ni Andrew dun sa mansyon e tapos nagrequest pa sila na tumugtog ako ng piano.

Habang tumutugtog kanina ay sobrang nasasaktan pa din ako, kasi naaalala ko pa din yung mga sakit na dinulot sakin ni Andrew. As in lahat lahat. If I Were a Boy yung tinugtog ko at feel na feel ko habang kumakanta, kasi ramdam ko talaga yung lyrics na kung lalake lang ako I swear I would be a better man, yung mamahalin ko yung girlfriend o asawa ko na hindi ko siya sasaktan na hindi ko siya ipagpapalit sa iba, kaya matapos tumugtog ay napapikit at napahinga nalang ako ng malalim dahil kung hindi ay tumulo na yung luha ko, ayoko naman na magtaka sila daddy at malaman nila na hindi na kami okay ni Andrew.

Iniabot ko yung bayad sa taxi driver tapos bumaba na ako. Pagharap ko sa gate ng bahay ni Seb ay nandun na pala siya. Niyakap niya ako ng sobrang higpit, gumanti din naman ako ng yakap, "I'm so sorry."

"Ssh. Hindi mo naman kailangang magsorry." He kissed me on my lips and greeted me a happy birthday tapos lumuhod siya at iniabot niya sakin yung bouquet ng bulaklak.

"Ang sweet mo talaga, salamat Seb, I love you super duper love."

"Salamat prinsesa ko mahal din kita, happy birthday." Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa noo. "Ang ganda mo at ang sexy ngayon."

"Ngayon lang ba?" Biro kong tanong.

"Everyday every second of the day."

"Haha okay salamat."

"Na-miss kita."

"Na-miss din kita prinsipe ko, sobrang namiss lalo yung yakap mo."

Pumasok na kami sa bahay niya,

Nilagyan niya ako ng blindfold, "for what?"

"Hmm siguro po may surprise?"

"Whatever Sebastian, ang dami mong pakulo."

"Para sa prinsesa ko hindi talaga ako mauubusan ng pakulo."

"Dahan-dahan baka matalisod ka ha."

Kasi nakastiletto pa ako di ba?

Inalalayan ako ni Seb habang naglalakad nang huminto kami,

"Buhatin na kita prinsesa ko, baka kasi mahulog ka pa sa akin I mean sa hagdan."

"Matagal na akong nahulog sayo noh? Haha"

Ilang sandali pa ay inilagay niya yung kamay ko sa balikat niya at naramdaman ko yung kamay niya na sa beywang ko at binuhat ako bridal style. Hindi ko alam pero bakit nakakaramdam akong kilig kahit na binuhat niya lang naman ako.

"Kapit ka lang ha?"

"Alright, wag mo ko ihuhulog."

"Oo naman."

"Ayan nandito na tayo sa second floor prinsesa ko."

Ibinaba niya ako tapos inalis yung blindfold ko.

"Wow."

Napa-wow ako kasi may petals and candles sa hagdan papunta sa rooftop ng bahay nila at may red balloons din.

"Let's go?"

Hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming umistep sa hagdan nang maisipan kong magpapicture,

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon