CHAPTER 18.2

14.9K 235 10
                                    

SANDRA'S POV

Akmang hahalikan ko si Andrew pero iniinis ko lang siya,

"May Cheska ka na di ba?"

Nagulat ako sa sinagot niya,

"Wala na kami ni Cheska."

"I thought..."

Tinakpan niya yung labi ko dahilan para hindi na ako makapagsalita.

"Wag na natin siyang pagusapan okay? Sorry sa mga nagawa ko sayo before Sandra. I know hindi mo ko mapapatawad agad pero bibigyan kita ng panahon. Hindi kita mamadaliin."

I saw in his eyes that he's sincere. Isang tingin at pa-cute niya lang naman at dagdagan mo pa ng yakap e bumibigay na agad ako, nakakalimutan ko na lahat ng sakit na dinulot niya sakin.

How I wish lang talaga na hindi na sila magkabalikan ni Cheska. Pero ayoko pa din magpakasiguro, nakakapagod na din kasing umasa at masaktan.

ANDREW'S POV

Matapos naming kumain ng lunch ay naligo na si Sandra at nagayos.

"San ang punta mo?"

"Sa RW, nagtext kasi si Joel nagaayang manuod ng movie."

Kainis bakit lumalabas siya kasama si Joel? Baka mamaya ano gawin sakanya ng gagong yun.

"Pupunta din nga pala ko sa RW."

"What??!"

"Yap. Ahm may titignan lang ako watch sa Rolex."

Palusot ko pero totoo susundan ko sila.

"Okay. See you around."

"Wait for me, I'll take a quick shower tapos sabay na tayong umalis."

"May kotse naman ako."

"Para tipod sa gas."

Pilit ko.

"Wow ah sanay ka palang magtipid."

"Oo naman."

"Okay hintayin kita sa baba. 5minutes lang ah."

Nagshower na ako ng mabilis tapos nagbihis na ko.

"Let's go?"

"Bilis ah? Tara."

Sumakay na kami sa kotse ko at nagdrive na ako papuntang Newport.

Nagring yung phone ni Sandra,

"Yes hello. Yap I'm on my way. Alright. See you later. Byebye."

Nakangiti pa siya at parang excited na makita si Joel. Parang magkasama lang sila last time ah nung birthday ni Joel. Kainis!!!

Pumasok na kami sa RW,

"Text mo ko kapag tapos na kayong manuod ng movie ah? Sabay na tayong umuwi."

"E kakain pa kami at magkukwentuhan. Baka mainip ka lang, mauna ka na if you want."

"No I can wait naman."

"Okay bahala ka. Bye."

Naghiwalay na kami ni Sandra, sinundan ko siya ng tingin at ilang sandali pa ay nagkita na sila ni Joel. Nagbeso pa silang dalawa, naiinis talaga ko!!

Naiinis o nagseselos, Andrew?

Pareho!

Naglibut libot ako sa mall tapos pasimple ko silang sinusundan. Bumili na sila ng movie ticker at pop corn and drinks tapos pumasok na sila sa movie house.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon