CHAPTER 21.0

14.8K 221 2
                                    





ANDREW'S POV

"Okay wifey, tawag ako later after ng meeting namin, kumain ka ng madami ha? Wag kang magpapagutom. I love you."

"I love you more hubby ko. Bye bye."

"Waiiit."

"Why hubby??"

"Nasan yung kiss ko wifey??"

"Mmmmmmmmuuaaaaaaa."

"Mmmmmmmmmuuaaaaa. Thanks wifey. Bye bye. Love you mmua."

Matapos ang meeting ay nakareceive ako ng text from Sandra,

"Hubby, magyoga daw kami mamaya nila Claire."

Tinawagan ko naman siya agad para tanungin kung nasan na siya. On the way na daw siya at magkikita kita na sila ng mga kaibigan niya.

"Ingat wifey. Text or tawagan mo ko kapag pauwi ka na ha? Tapos na yung meeting ko. I love you."

"Yes hubby ko, I love you more."

Matapos naming magusap ni Sandra ay nagring yung phone ko. May tumatawag from an unknown number.

"Hello??!"

"Hello honey."

"Who's this?" Irita kong tanong kahit na alam ko namang si Cheska yung nasa kabilang linya.

"Honey naman, kinalimutan mo na ba talaga ko?"

"Sino ka ba??"

"Si Cheska to Andrew."

"Okay, anong kailangan mo?"

"I just want to talk to you. I just want to say sorry for what I've done to you."

"Wala na tayong dapat pagusapan pa Cheska, tapos na ang lahat satin di ba?"
Kairita.

"Oo nga Andrew, gusto ko lang na makapagusap tayo, for closure. Para maging okay na ang lahat."

Siguro nga okay na din yung ganito na makapagusap kami, para may closure para din samin ni Sandra para wala ng gulo.

"Okay, see you sa coffee shop near my office at 3pm."

Ako na yung nagbigay ng place and time dahil baka kung saan pang lugar siya mag-aya.

Actually mula ng magbreak kami ay text ng text at tawag pa din siya ng tawag sakin. Hindi ko lang siya nirereplyan at palagi kong nirereject yung tawag niya hanggang sa nilagay ko siya sa blocked lists.

Hindi ko nalang din pinapaalam kay Sandra dahil baka kung ano pa ang isipin niya, baka magselos pa siya tapos hindi na naman kami magiging okay, magiiwasan na naman kami. Ayoko namang mangyari pa yun ulit.

15 minutes before 3pm ay pumunta na ako sa coffee shop malapit sa building ng kumpanya namin.

CHESKA'S POV

Makikipagkita ako kay Andrew ngayon kasi namimiss ko na talaga siya.

Sinabi ko lang na makikipagclosure ako pero susubukan kong makipagbalikan sakanya.

Mahal na mahal ko pa din siya, siya lang talaga yung minahal ko ng ganito kaya hindi ako papayag na mapunta siya ng tuluyan kay Sandra o kung kanino man.

Pumunta na ako sa coffee shop malapit sa office nila at nandito na pala si Andrew.

Bumeso ako sakanya at parang hindi siya natuwa sa ginawa ko.

"Hey. I missed you."

Ngumisi lang siya sakin. Siguro hindi pa din niya ko napapatawad.

"Sorry sa mga nagawa ko Andrew. Kaya ko lang naman yun nagawa kasi pakiramdam ko hindi mo na ko mahal.."

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon