CHAPTER 12.0

14K 232 3
                                    

ANDREW'S POV

Nandito na kami sa simbahan.

Kumpleto ang pamilya, relatives at mga kaibigan ko. Pati family friends ay dumalo.

Halos puno itong simbahan.

Ang gagwapo ng mga kaibigan ko. Parang ang titino ah?

Start na ng wedding...

Naglakad na sa aisle yung mga flower girls... Lahat ng abay at mga ninong... Ninang...

Sila mom and dad tapos ako...

Bumukas na yung pinto ng simbahan at lumabas si Sandra.

Napakaganda niya sa suot niyang gown.

"Andrew, do you take Sandra to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, in sickness and in heath, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto her for as long as you both shall live?"

"I do."

Nang si Sandra na ang tinanong ay hindi siya sumagot at biglang nagbackout.

Tumakbo siya palabas ng simbahan.

Hindi ko alam kung bakit.

Bigla na lang akong nakarinig ng katok mula sa pintuan...

"Sir Andrew..."

"Sir Andrew..."

Damn.

Panaginip lang pala.

Binuksan ko yung pinto at yung maid pala namin.

"Ready na po yung breakfast. Pinapatawag na kayo ng daddy nyo."

"Okay. Sige maghihilamos lang ako."

"May problema po ba kayo Sir Andrew?"

"Ha? Wala. Bakit?"

"Tumutulo po kasi yung luha niyo eh."

"Ah wala to. Nakusot ko kasi yung mata ko kanina."

"Sige po mauna na po ako."

"Okay."

Naluha pala ako.

Pero bakit naman e panaginip lang naman yun.

Tsaka bakit affected ako? E fixed marriage nga lang to di ba.

Hindi naman totoo yung pagmamahalan namin ni Sandra.

Hindi niya naman ako totoong mahal.

**

"Nagtext ang mommy Sophia mo, tinatanong kung magkasama daw kayo ni Sandra. Sabi ko hindi dahil nandito ka sa bahay."

"Bakit po?"
Nagtaka naman ako kung bakit hinahanap nila si Sandra.

"Natanong lang ng mommy niya. Hindi daw kasi sumasagot sa mga tawag niya baka daw kasama mo."

"Okay. Pakisabi na lang po na hindi kami magkasama."

Hindi naman ako hanapan ng nawawalang Sandra. And hindi pa naman kami kasal, hindi pa kami nakatira sa isang bahay so bakit sakin hahanapin.

Biglang pumasok sa isip ko yung nangyari last week sa bar.

Sh*t.

Baka umatras sa kasal si Sandra.

Hindi.

Hindi to dapat mangyari.

Kailangan ko munang makuha yung mana ko.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon