ANDREW'S POV
One week na ang nakakaraan mula nung nagstay sa condo ko si Sandra.
Tuwing uuwi ako sa condo at titingin sa paligid ay naaalala ko yung maamo niyang muka at kakulitan niya dahil sa kalasingan niya.
Kapag kakain naman ako ay naalala ko yung katakawan niya.
Nahihibang na yata ako.
Nagdadrive ako ngayon papunta sa bahay namin.
Nandon daw kasi yung wedding organizer na kinuha ni mom at ng mommy ni Sandra.
Papunta nadin daw sila Mr. & Mrs.
Williams.Bati na kaya si Sandra at ang daddy nya?
Pagdating ko sa gate ay natanaw ko agad yung yellow car ni Sandra. Andito na pala sila. Good thing kasama si Sandra.
Bumeso ako kila mom and dad pati sa parents ni Sandra at bumeso din ako kay Sandra.
"Hi"
"Hello." She smiled.
"How are you?"
"I'm doing great, ikaw?"
"I'm doing good."
"Napakagwapo naman pala ng anak ninyo." sabi ng event organizer.
"Thank you." sabi ko naman.
Napakaganda ni Sandra. She's wearing pants and blouse at nakaheels, kahit ano yatang suotin ng babaeng to ay kaya niyang dalhin.
Pinaguusapan namin yung kasal, kung sino ang mga taong invited, motif, saang church at reception.
Nagpresent si Sandra ng gowns na dinesign nya para sa lahat ng may role sa kasal. Ang galing pala niyang magdrawing. Dinaig pa yung designs na pinakita ng designer.
"Ikaw lahat ng nagdrawing niyan?"
"Ahm. Almost. But yung sa bridesmaid e tinulungan ako ng friends ko. Mas excited pa kasi sila sakin." sagot niya.
"Napakagaling mo naman magdesign hija." Sabi ni mommy kay Sandra.
"Thank you po tita."
"Hobby niya yan simula nung maliit pa siya. Sobrang talented niya. She also plays piano, saxophone and magaling din siyang magpaint." Sagot naman ng mommy ni Sandra.
"Mom." Sagot ni Sandra na parang nahihiya dahil binibida siya ng mommy niya. Para siyang bata.
"Totoo naman darling e. Magaling din yan magluto, Mare. Kaya naku Andrew, anak, mabubusog ka lagi sa masasarap na luto niyan." Ayaw paawat ng mommy niya. Nakakatuwa.
"Enough na mommy." Tonong bata na nagtatampo.
"Masanay ka na dyan Andrew, ganyan talaga si Sandra. Ayaw niya na binibida ng mommy niya yung talents at achievements niya." Sambit naman ng daddy ni Sandra.
"Dad."
Parang bata talaga siya.
"I guess magaling din pong kumanta at sumayaw ang anak niyo?" Biro ko. And I'm pertaining sa pagsayaw niya sa bar last week.
"Isa ka pa." Binigyan niya ko ng mataray look.
"At nagtawanan kami ng parents niya."
"Pikon, talo." I teased her again.
"Okay, fine." At umirap siya sakin sabay tumawa.
Ang cute ni Sandra.
Okay na ang lahat, nasukatan na din kami para sa susuotin namin. And next month na ang kasal namin, August 10, 2018.
BINABASA MO ANG
Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18*
RomanceMinsan kung kailan nagmamahal tayo ng totoo at buong buo saka tayo lolokohin ng taong mahal natin. Minsan akala mo siya na pero hindi pala. Minsan pinasaya ka lang akala mo seryoso na. Ang tanga lang. Ang tanga tanga ko. Bakit kasi nagtiwala agad ak...