CHAPTER 13.0

14.9K 217 7
                                    

ANDREW'S POV

I am the new CEO of our company.

Lagi akong pumapasok on time at wala pang absent so far.

Hindi na rin ako pwedeng magpetiks dahil minomonitor ni daddy lahat ng galaw ko pati sa bahay.

Ayaw na din niya akong nagpupupunta madalas sa bar.

Pwede lang daw once a week, kapag weekends at maluwag ang work.

"Maraming taong halos magpatayan para makuha yung posisyon na yan kaya mas kailangan mong maging hardworking Son." Yan ang tumatak sa isip ko kaya determinado na ako ngayon.


***

SANDRA'S POV

Hi.

My name is Cassandra Williams-Smith.

Yes kasal na kami ni Andrew.

Akala niyo umatras ako sa kasal noh?

Hindi ah.

Hindi ko naman yun magagawa kila dad, baka atakihin pa yun sa puso ay konsensya ko pa.

I love them so much kaya eto...

Natuloy ang kasal...

Kahit na ayaw ko... Kahit na labag na sa kalooban ko ang magpakasal.

Sabagay sa una pa lang naman e ayaw ko na magpakasal... Until I fell in love with Andrew...

I fell in love kasi plano niya lang pala yun na mahulog ako sakanya.

Plano niya lang yun para matuloy ang kasal... Para makuha niya yung mana niya.

Ang selfish di ba?

Sana e kinausap niya na lang ako agad hindi yung pinainlove pa niya ko sakanya.

Di ba? Di ba?

Madali naman akong kausap e.

So eto...

Two weeks na kaming kasal ni Andrew.

Two weeks na din kaming walang pansinan.

Nakatira na kami sa iisang bahay.

Pero walang pansinan.

Pag papasok na siya sa work ay tulog pa ako at pag uuwi na siya ay tulog na ako kaya bihira talaga kaming magkita. Minsan nakikita ko lang siyang tulog kapag nagigising ako ng madaling araw para umihi.

Regalo ni daddy yung bahay na ito samin.

Dati pa pala niya to pinagawa dahil nga pinaghahandaan yung wedding ko.

So sweet ni dad di ba?

Malaki tong bahay... Pero mas malaki pa din yung mansyon namin.

Hanggang third floor...

May swimming pool din at garden...

May guests' room pero nakalock at hindi binigay samin yung susi.

Siguro kasi para sigurado sila na magsasama kami ni Andrew sa master's bedroom.

If I know mga atat lang silang magka-apo.

Magkasama nga kami pero hindi kami nagtatabi sa pagtulog.


Sa kama siya at ako naman sa couch.

Grabe noh?

Ang gentleman lang!

Yes. Ako na ang nagpaubaya.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon