CHAPTER 14.4

15K 219 12
                                    

"Gusto ka daw niyang makita tol, gusto ka niyang makausap."

"Busy ako tol."

Yun lang ang naireply ko kay Kenneth. Naguguluhan ako, hindi pa yata ako handa na makitang muli si Cheska. Si Cheska na unang babae sa buhay ko, unang babae na minahal ko. Si Cheska na iniwan ako sa hindi ko alam na dahilan tapos nagulat nalang ako na ikakasal na siya. Kung kasal na siya, bakit gusto pa niya akong makita at makausap?

"Son, are you okay?"

"Ah yes dad."

"Kanina pa ko nagsasalita dito pero mukang hindi ka nakikinig."

"Sorry dad may iniisip lang kasi ako."

"Dapat alam mong paghiwalayin ang personal mong buhay sa trabaho anak dahil kung hindi ay mahihirapan ka."

"Opo dad. I'm sorry. Balik na muna ko sa office ko."

Kanina pa ako absent-minded. Wala rin ako sa mood at hindi ako mapakali. Bakit ba kasi bumalik pa si Cheska sa Pilipinas.

SANDRA'S POV

Nagluto ako ng beef caldereta for dinner. Nagtimpla na din ako ng iced tea para pag uwi ni Andrew ay kakain na kami ng dinner.

7:30pm na pero wala pa din siya sa bahay.

"Nasan ka na, hubby? Dinner's ready. I miss you."

"Sorry wifey pero hindi ako makakauwi ngayon. Kailangan kong mag-OT at dito na ko sa office matutulog."

"Ganun ba? Nagdinner ka naba?"

"Oo."

"Okay. Ingat ka. See you tomorrow. I love you."

Hindi na siya nagreply. I suddenly feel so empty. Siguro dahil ang cold ng text niya o hindi siya nagsabi agad na hindi siya uuwi o siguro dahil namimiss ko lang siya. Sinubukan ko na lang siyang intindihin dahil alam kong busy lang siya sa work. Kumain na ako ng dinner, ang lungkot kapag hindi ko siya kasabay kumain.

++

Hindi ako nakatulog agad dahil iniisip ko si Andrew. Tinawagan ko siya sa phone niya dahil gusto ko siyang makausap, gusto kong maggoodnight manlang pero hindi naman niya sinasagot yung mga tawag ko. Siguro busy lang, siguro pagod at nakatulog na. Siguro...


ANDREW'S POV

Nandito ako sa bar ni Gerald ngayon at umiinom magisa. Hindi totoo na nagovertime ako at sa office matutulog. Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng matinding kalungkutan. Ibinaling ko nalang sa pag inom. Iniwan ko yung phone ko sa kotse ko para walang istorbo. Gusto kong mapagisa ngayong gabi.

Marami na din akong nainom at naisipan ko na umuwi na, dun ako sa condo ko uuwi ngayong gabi.
Paglabas ko ng elevator ay naglakad na ako patungo sa unit ko. May babaeng matangkad na nakatayo sa tapat ng unit ko, hindi ko siya mamukaan. Baka isa na naman sa mga nakaflirt kong babae na gustong magpakama.

Nang makarating na ako sa unit ko, laking gulat ko na si Cheska pala yung babaeng tinutukoy ko.

"Andrew. I missed you."

Yumakap siya sa akin ng mahigpit.

Kumalas kaagad ako mula sa pagkakayakap niya, "what the hell are you doing here?" Nangingibabaw pa din yung galit ko dahil iniwan niya ako 7years ago tapos malalaman ko na ikakasal na siya.

"Hindi mo ba ako namiss?"

"Bakit kita mamimiss? Pagkatapos mong makipagbreak at iwan ako ng walang dahilan sa tingin mo mamimiss kita?"

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon