CHAPTER 2.1

21.5K 399 3
                                    

ANDREW'S POV

Hi.

My name's Andrew Smith, macho, gwapo, mayaman, habulin ng babae na gusto lang akong matikman sa kama. And kung di nyo naitatanong, I'm a very humble person, bawal kumontra. 28 years old. Nagiisang anak at tagapagmana ng kumpanya ng daddy ko. Kaya kahit minsan labag sa kalooban ko, napapasunod nya ko sa lahat ng gusto nya. Wala naman kasi akong choice.

Ilang linggo na din akong wala sa mood at nagiinom lang sa bar simula nung sinabi ni daddy na ikakasal na daw ako. Yes it's a fixed marriage. Kailangan akong ikasal sa anak ng business partner nya para mas mapalaki pa yung stocks namin.

Since ako naman yung magmamana ng malaking part sa kumpanya ay kailangan kong magsacrifice. Binalaan na din ako ni daddy na kapag di ako pumayag sa kasal ay tatanggalan nya ko ng mana at lahat ng luho ko ay maalis.. kotse ko.. bank accounts ko.. pati credit card ko ay ihohold nya.

Nakakainis talaga. Kung hindi sana ako iniwan ni Cheska edi sana kasal na kami. Sana yung mahal ko yung mapapangasawa ko at ihaharap sa altar at sa maraming tao. Hindi kung sino... Hindi sana yung babaeng di ko kilala at never ko pang na-meet. Hayy.. Wala na akong magagawa dahil nakipagdeal na si daddy.

Nandito kami ng mga tropa ko sa isang sikat na bar sa Taguig. Dinadamayan nila ako dahil malapit na akong ikasal.

"Congrats dude! Magiging impyerno na ang buhay mo." banat ng gagong si Drake

"Cheers parekoy! Nalalabi na lang ang araw ng pambabae mo." nakibanat din tong si Kenneth.

"Mga gago talaga kayo noh?" Sagot ko.

"Kung ako sayo tol susulitin ko na pambabae dahil tyak na pag nagkaasawa ka na ay matatali ka na at di mo na magagawa pagiging buhay binata mo." Aba madami palang alam tong si Geoff.

"Haha akala nyo lang yan. Gagawin ko pa din lahat ng gusto ko kahit kasal na kami nung kung sino mang babae yun. I'll make a contract. Kahit siguro 1 year lang ang itagal ng kasal namin e ayos na yon. Ang mahalaga makuha ko yung mana ko. Magpapalusot na lang ako after. Bahala na.." Problemado kong sagot habang umiinom ng alak.

Bigla namang nagsalita tong si Joel at may tinuro sa likod ko, "Sh*t mga tol, ang hot ng dalawang chicks na yun oh. Sakin yung isa jan ha, yung naka-black."

Paglingon ko, hindi ko sinadyang matapunan ng alak yung babae.

"Ouch!! Are you blind??" pagalit na sabi ng babaeng naka-black dress.

Maganda at sexy sana kaso ang taray. Mainit pa naman ang ulo ko dahil sa problema ko kaya sakanya binaling yung inis ko. Di tuloy ako nakapagsorry.

"Excuse me miss, baka ikaw ang bulag jan or sadyang tanga lang. Ikaw na nga ang nakabunggo sakin, ikaw pa ang galit."

"Natapunan mo na nga ng alak yung dress ko, ni hindi ka manlang matutong magsorry." sagot nya sakin.

Binanatan ko naman sya na may nakakainis na tono, "Oh sorry not sorry but I only apologize to hot and sexy girls. And sa mga tumitingin sa dinadaanan nila."

At nagtawanan naman ang mga gago kong kaibigan except kay Joel na mukang type na type itong si Ms. Taray.

"Let's go na Sissy, hayaan na natin sila." Sabi nung kaibigan ni Ms. Taray na sexy at maganda din in white dress.

"Tara na nga. Naasiwa na ko sa pagmumuka ng mayabang na to. Akala mo kung sinong gwapo, e hindi naman. Bakla siguro to kaya di marunong magsorry." Sabay binunggo ako sa braso ni Ms. Taray.

Kaya ginantihan ko ulit siya ng pangaasar, "e hindi ka rin naman kagandahan para maginarte."

Ayun umalis na sila.

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon