CHAPTER 16.5

13.9K 261 13
                                    

ANDREW'S POV

Kinausap ko sila Kenneth at Steph kung pwedeng isabay na nila ulit si Cheska sa paguwi para si Sandra ang kasama ko habang nagbabyahe.

Nang makapagcheckout na kami,

"Honey sa kotse mo ako sasakay pauwi ha?" Sambit ni Cheska habang nakahawak sa braso ko.

Napatingin naman si Sandra.

"Sige tol, isasabay nalang namin sa kotse ni Joel si Sandra at ihahatid sa inyo, okay lang ba Sandra?" - Drake

"Oo naman, okay lang. Okay na okay."

Ni hindi manlang siya tumanggi at hindi ininsist na sakin siya sasabay. Dun pa siya sumakay sa passenger's seat imbes na sa backseat na lang at pinagbukas pa siya ni Joel ng pinto.

SANDRA'S POV

Buti nalang ay hindi lang 2-seater yung sports car ni Joel, pinaupo na ako ni Drake dun sa front seat katabi ni Joel.

I expected naman na na sa kotse ni Andrew sasakay si Cheska, asawa niya ko di ba? Sana inaya niya manlang ako na sumakay sa kotse niya at hindi yung "girl friend" niya. Sana sinabi niya manlang kay Cheska na kila Kenneth nalang ulit sumakay pero hindi e. Nasolo na nga ni Cheska si Andrew simula nung magstay kami dito sa resort tapos hanggang paguwi ay sila pa din ang magkasama.

Saan pa ko lulugar di ba?
Nakakapagod na, nakakasawa na yung ganitong paulit ulit nalang akong nababalewala at nasasaktan.

Nauna na kaming umalis at hindi na ako tumingin kay Andrew para magpaalam, si Drake lang ang nagpaalam,

"Una na kami mga tol."

Nagbusy-busyhan nalang ako sa paggamit ng phone ko.

Habang bumabyahe ay tinanong ako ni Joel kung may lakad ba ako,

"May lakad ka ba mamaya?"

"Wala naman, bakit?"

"How about you, Drake? Aalis ka pa ba mamaya?"

"Hindi naman na tol, pahinga lang sa bahay paguwi."

"Daan tayo sa Caleruega Church. Maganda daw yung simbahan na yun pati yung view."

"Sure."

"Sige tol."

Lumiko na si Joel papunta dun sa sinasabi niyang church, medyo baku-bako yung daan pero maayos naman na nung malapit na sa entrance.

Ang lamig at ang ganda ng view dito. Pagkababa namin ng sasakyan ay nagpicture kaming tatlo gamit ang phone at selfiepod ko.

Napakaganda ng paligid, eco-friendly, malinis, maganda yung pagkakalandscape. Open din pala to for retreats. Napakatahimik at nakakarelax. Umakyat na kami patungo dun sa church na sinasabi ni Joel, ang ganda ng church, maliit lang pero maganda.

Bago pumasok ng simbahan ay kumatok si Joel sa pintuan,

"Bakit kumatok ka?"

"Sabi kasi nila kapag first time mo daw papasok sa isang simbahan ay dapat kumatok ka ng 3x at magpray."

Ginawa din namin ni Drake. Pumasok na kami sa loob at nagdasal.

Pinagdasal ko na sana ay mawala na lahat ng pain na nararamdaman ko, at sana makayanan ko pa na pakisamahan si Andrew.

Sumakay na kami sa kotse at nagbyahe na ulit. Habang nagbabyahe ay nagpicture kaming tatlo sa gamit ang phone ni Drake.

"I'll add you on facebook Sandra tapos itatag kita ha?"

Fixed Marriage (Hate That I Love You) COMPLETED *PG18* Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon