#1
------Snabero at Masungit.
"Good afternoon! Welcome to Stylenanda!" Bati ko sa mga estudyanteng pumapasok sa botique ng clothing shop na pinagtatrabahuan ko.
Ako nga pala si Serah Devone Javier. Oh diba pang mayaman yung pangalan. Yung pangalan lang unfortunetly :/ . 18 na ko kaya nagtatrabaho na ko. Nagsimula ako mag trabaho nung 16 ako, syempre sa hirap na din ng buhay kaylangan kumayod.
"Serah Serah! Naghahanap ulit ng PA ang mga model sa Martin Group diba mga gwapo models don?" Tanong ng kaibigan / katrabaho kong si Guia. (Guia- pronouns as 'Giya' or 'Gia)
"Hay nako puro ka gwapo jan ehh. Ano yung nangyari sayo nung last ka nag PA sa model ng Martin Group na yan?" Sarkastikong pagpapaalala ko sakaniya.
"Psh! Hindi pare parehas ang tao sa mundo noh! Tsaka one month lang naman yon para lang sa tour nila" Sabi niya pa. Aish. Ayoko nga dun eh.
"Ayoko. Kung gusto mo ikaw nalang" Tinalikuran ko siya at inayos ang ibang damit na naka display.
"Napaka man hater mo. Kaya wala kang boyfriend eh" Tinaasan niya pa ko ng isang kilay at tinarayan ako.
"eh bakit ikaw may boyfriend ka ba? Hindi ka naman man hater ah?" Inirapan niya lang ako at pumunta na sa cashier. Remind me again bakit kaibigan ko siya?
Napagisip isip ko. Sayang din naman ang kikitain. Hindi naman siguro masyadong hustle pag nag PA. Tsaka sabi ni Guia. 2,500 per day? one month daw kaylangan ng PA so sabihin na natin na 5 or 6 days nila kami kaylangan malaking pera na din yon! Baka mapagawa ko na yung bubong namin magtatagulan pa naman. Tsaka baka makaipon ako ng pang enroll ko ngayong pasukan. Kakagraduate ko lang ng highschool at ngayon naghahanap pa ko ng mapapasukan na pampublikong unibersidad lang para naman makapag aral na ko ng tuloy tuloy.
Nilapitan ko si Guia at tinanong ulit siya tungkol sa trabahong iyon. Mukang kaylangan ko nga siguro mag extra para naman hindi kami mahirapan ni lola. Kami nalang ni lola dalawa ang magkasama kaya kaylangan magtrabaho ako. Lalo na't hindi na malakas si lola ako nalang ang inaasahan niya.
"Sabi dito, 2,500 per day, 6 days a week, 1pm to 9pm ang pasok. So 9 hours ang pasok per day, pwede pa tayo makapasok dito sa shop ng morning shift." Tumango tango ako habang binabasa ang iba pang detalye sa hawak na dyaryo ni Guia.
"Hmm. 18 years old above, male or female, SINGLE? huh? bakit kaylangan single pa? Kaylangan na pala yon sa trabaho ngayon" Pag iinarte pa ni Guia. Psh. WALA NAMAN KAMING BOYFRIEND KAYA WALANG PROBLEMA!
"Tara na! wag ka na mag reklamo jan wala naman tayong boyfriend ehh kaya ok lang yan" Sabi ko pa, Hindi niya lang ako pinansin at nagbasa pa ng ibang detalye sa tatrabahuin namin.
"Pwede na daw mag pa interview sa Monday! day off natin yon! yeeesss makakaipon na ulit ako! sana makapasok tayo dito" Nag hysterical na siya at para bang tuwang tuwa. Hindi pa nga kami naiinterview.
"Ano ba daw ang mga kaylangan na requirements?" Tanong ko at binusisi ulit namin ang nakasulat sa dyaryo. Wala naman problema at kumpleto ako sa requirements na kaylangan nila sa interview. Sana makapasok sayang din yon.
"Hoy! Kayo! Binabayaran ko kayo dito para magtrabaho hindi para magchikahan jan!" Sigaw ng boss namin na nakapulang lipstick nanaman! gahh hindi bagay sayo tanda!
"Sorry ma'am!" Sabi pa namin at nagpunta na sa kanya kanyang estasyon.
Maghahapon na at malapit na kaming mag out nang may isang dalagang mukang kaedad lang namin ang pumasok sa shop. Binati ko siya at ngumiti siya sakin. fuuudge ang ganda niya! Naka red siyang longsleeves pero labas ang likod. Kitang kita ang sexy niyang katawan sa suot niya. Naka shorts din siya at heels kaya mas kapansin pansin ang kanyang long and sexy legs! Darn, kung ako lang sana may ganyang katawan nako!
"Miss may size-" Hindi na niya natapos ang itatanong niya dahil napatingin kami sa lalaking pumasok sa shop.
"Good afternoon welcome to-" Hindi na ko natapos dahil napatitig ako sa muka niya. SHIIZZ ANG GWAPO!
Matangkad siya, Maputi, matipuno ang katawan, ang mata niya ay malalim at expressive and ilong naman ay natural na matangos ang labi niya na nakakapanlambot ! Muka itong malambot at mapula pa. Damn good mood ba si God nang nilikha ang nilalang na ito? Lumapit siya sa babaeng maganda na nasa harapan ko at para bang nairita siya. Luh?
"Let's go Celine, Tumakas ka nanaman sa piano lessons mo eh" Masungit na sabi niya, Wow magkakilala sila? Mag ON kaya sila? Napatunganga nalang ako sakanila. Ang gagandang nilalang!
"Kuya, Sinabi ko naman kasi sainyo diba? Ayaw ko mag piano lessons. Im more on fashion and designs bakit ba tinutulak niyo ko sa music?" Mahinahong sagot ng babaeng nagngangalang Celine, Bagay na bagay sakaniya ang pangalan niya. At ano daw? Kuya? magkapatid sila? Wow kaya pala parehas maganda ang lahi!
"Magagalit si mom sayo niyan Celine, Alam mo naman yon diba" Hindi nalang pinansin ni Celine ang kuya niya at nagikot lang sa shop at namili ng damit at sapatos.
"Oo na babalik na, babayaran ko lang to" Dinig kong sagot niya. Para pang malungkot siya at wala na siyang takas sa kung ano man yon. Kawawa naman siya. Mukang mayaman at marangya kaya siguro ganiyan.
Lumabas na sila pagtapos bayaran ang mga nabili. Naiwan na naka tunganga si Guia sa cashier. Tinapik ko nga at nahulog na talaga siya. Anyare dito? Sinilip ko siya sa ilalim ng cash register at nakita kong kinikilig siya doon.
"Oy Guia, ano ba nangyayari sayo?"
"Si...sii...si Ian Martin yon! waaaaa!!!!" Ayan na at tumili na siya. Hinigit higit pa ang damit ko habang nakatingin sa pintuan kung saan lumabas ang magkapatid.
"Sinong Ian Martin? "
"Ay bungol. Teh nag f'facebook ka ba? Si Ian Martin siya yun CEO ng Martin Group. Pamilya niya ang mayari ng balak natin pasukan na trabaho"
"Ay ganon, Oh anong meron?"
"ANG GWAPO NIYA! alam mo ba 21 lang siya pero succesful na! Madaming babaeng nagkakandarapa jan pero ang sabi hindi daw nag gegirlfriend. Bading siguro. Pero hindi ehh kita mo naman lalaking lalaki diba" Tumango nalang ako habang nagkukwento si Guia ng kakiligan niya sa Ian Martin na yon. Muka naman masungit at istrikto, Gwapo nga kaya lang parang snobero at masungit.
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...