#52
____________________
Secret character's Point of View.
"Sir nahanap na po namin ang pinapahanap niyo" seryosong sabi sakin ng private investigator na hinire ko.
"Where is she?" Napatayo ako sa table ko at hinarap siya.
"Nasa pilipinas po siya sir. Ito po ang adress ng tinitirahan niyang apartment. Nagtatrabaho po siya sa Margaux bilang assistant designer. Balita ko po ay kasali din po siya sa fashion week. Graduating po siya ng -" I raised my hand to stop him. Too much information. All i need is where i can find her.
I have to find you Serah..
--------
Serah's point of view.
Buong byahe papunta ng apartment ko ay tahimik lang kami. Pagtinatanong niya lang saan ang daan papunta sa bahay ko doon lang ako nagsasalita. Mabilis ang tibok ng puso ko at halos mag wala na ang mga hayop sa tiyan ko.
"Jan na lang sa tapat ng itim na gate" Mahinang sabi ko. Tinuro ko ang apartment na tinutuluyan ko at doon naman siya tumigil.
"um..salamat" bago pa ko makababa ay hinawakan niya na agad ang kamay ko.
"Serah wait." Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko at dahan dahan niya itong tinanggal.
"Bakit Ian?" Tinignan ko siya at parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.
"Nothing. Magingat ka. Congrats pala sa pag sali mo sa fashion week" Aniya. Tumango lang ako at lumabas na ng sasakyan niya.
binuksan ko ang gate at pumasok na. Ilang minuto ang lumipas hindi pa din siya umaalis don. Pumasok na ko sa kwarto ko at naligo. Pagtapos ko magbihis doon ko lang narinig ang pag alis ng sasakyan niya.
Mabuti na yung ganito. Mas napapalapit ako sakaniya mas nasasaktan ako kaya mas ok na yung ganito na kaswal lang kami. Tinext ko si Celine na nakauwi na ko. Sigurado ako hahanapin nila ako. Pinikit ko ang mga mata ko. Dahil na din siguro sa alak mabilis akong nakatulog.
Nagising ako sa alarm ng phone ko. 8am palang. Day off ko ngayon kaya makakadalaw ako kay lola mamaya. Naginat ako at kinusot ang mata ko. May text akong narecieve galing kay Celine at isang hindi ko alam kung sino.
Celine:
Nagalala ako sayo! Akala ko nawala ka nalang bigla. Nalaman ko kay kuya yung nangyari i hope youre ok. Sorry hindi kita nakita non nagsuka kasi ako sinamahan ako ni Josh naiwan ka tuloy namin.
--------09*********:
Take care of yourself. I wont be there for you next time. Sorry.-------
Kahit bagong numero alam kong si Ian yon. This is good. He's trying to move on. Im trying to let go of my feelings. Sobra na namin nasaktan ang isat isa. Sayang nga kasi nandoon yung love eh kaya lang parehas kaming duwag sumugal ulit.
Inayos ko ang sarili ko at pumasok na sa school. Alam ko ngayon graduate na si Ian. Siguro sa ibang bansa na niya tinuloy ang pagaaral niya. Tatlong taon din ang lumipas kaya siguro nga ganun ang nangyari.
Pagdating ko sa school tinahak ko ang daan papunta sa room ko. Napatingin ako sa hallway ng may humagip sa mga mata ko. Babaeng brown ang buhok.Nakatalikod siya at straight ang buhok niya. Parang si....
"Hey Guia lets go, Malelate na tayo" Nakita kong tumango siya sa babae hang nilolock ang locker niya.Siya nga! Anong ginagawa niya dito?!
Buong umaga ay nakatunganga lang ako at walang pumapasok sa utak ko. Bakit nandito si Guia? Hindi siya dito nag aaral diba? Naka uniform siya ng business ad. kanina kaya di ako pwedeng magkamali. Lumipat siya dito!
Pero bakit naman siya lilipat dito eh wala naman na si Ian dito? Lumipas ang mga oras at sa wakas ay lunch na. Umupo ako sa bench kung saan lagi akong umuupo. And as expected dumating na din si Celine.
"I think you knew pero ill tell you again. Why.Is.She.Fucking.Here?" Ani Celine at inabutan ako ng isang C2 at sandwich.
"Hindi ko din alam" Yun lang ang nasagot ko. Wala din akong ideya bakit siya nandito.
"Hindi siya dito nagaaral diba? Tsaka kalagitnaan na ng sem bakit nakalipat pa siya? I know kuya has something to do with this. That idiot" Galit na sabi ni Celine. Nanahimik nalang ako at patuloy na kumain ng Sandwich.
"Hey bestfriend." Nagkatinginan kami ni Celine at sabay kami napatingin sa likuran ko.
Nakita ko doon di Guia na may kasamang dalawang babae at tatlong lalaki. Naka ekis ang braso niya sa dibdib at nakataas ang kaliwang kilay sakin. What does she want?
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...