#68
____________________
Family
Dahil na din siguro sa pagod nakatulog naman agad si Ian. Nakayakap siya sakin at mahimbing ang tulog. Hinaplos ko ang pisngi niya at tinitigan ang bawat sulok ng muka niya. I missed him. Namiss ko tong ganito kami. Sana wag nalang tong matapos. Kelan ba kami sasaya ng walang masasaktan? walang masasagasaan?
KRIIIIINNNNGGGG! KKRRIIIINNNNGG!
Nagring ang phone ko at nagpanic naman ako. Shiz! baka magising si Ian! Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ni Ian na nakayakap sakin at umupo para abutin ang phone ko sa cabinet. Tinignan ko ang screen kung sino ang tumatawag at nakita kong si Kris ito. SHIT! may dinner nga pala kami ngayon!
"He~hello?"
[Serah where are you? Nandito ako sa tapat ng school mo wala ka daw dito]
"Ahh..ehh sorry Kris! Nag LBM kasi ako kaya umuwi ako."
[Ok ka naba ngayon? Gusto mo ba bumili ako ng gamot? I'm on my way there]
"WHAT?! No! wag ...ahh..ganito nalang. tell me the restaurant then ako nalang ang pupunta don."
[Hindi pwede dahil sabi ko kay lolo susunduin kita]
"geez...umm sige na bahala na"
[Get dressed Serah malapit lapit na din ako]
"ok ok. ingat ka"
[ok thanks, Bye]
As i turn around after ending the call with Kris, Nagtagpo agad ang mga mata namin ni Ian. GISING SIYA! Nakakunot ang noo at mukang naiinis. Nakatagilid pa din siya ang ang isang kamay ang sumasalo sa kanyan ulo. Wala pa din siyang saplot kaya nakabalandra ang kanyang makisig na katawan ang malapad at matigas na dibdib.
"Who is that?" Galit at pagseselos ang naramdaman ko sa boses niya. Napangiti nalang ako.
"What's so funny Serah? WHO THE HELL IS KRIS?" His jaw clenched in anger. Tumabi ulit ako sakaniya at hinaplos ang muka niya. Lumambot ulit ang ekpresyon niya pero nandoon pa din yung mga mata niyang nagseselos.
"That is Kris, My cousin" Nanlaki ang mga mata niya. Ganyan din ekpresyon ko noon nalaman kong may pinsan ako.
"Your cousin?" I nodded and gave him a sweet peck on his lips.
Ipakilala ko na kaya si Ian sakanila? Eventually makikilala din naman nila si Ian dahil boyfriend ko si Ian. I smiled as i said the word boyfriend sa isip ko. Ang sarap lang pakinggan na boyfriend ko ulit si Ian. Masaya ako ngayon na kami ulit. Masaya ako na naglalakas loob siyang iayos ang nasirang relasyon namin. Dami kasing kontra dati eh.
"Bakit mo siya pinakasalan?" Out of nowhere biglang lumabas sa bibig ko ang tanong na yon.
"Gusto ni mama na maging Martin si Nadine kaya pinakasalan ko. Hindi naman kami nagpakasal sa simbahan eh. They only need my name? then ayan na Martin na siya. Pero a deal is a deal. The deal is papakasalan ko si Nadine pero di na siya babalik ng pilipinas. At pwede akong mag pa anul kahit anong oras ko gusto. Kasal lang kami sa papel pero sa totoo parang wala lang talaga sakin yon'" Tumango ako at tumingin nalang sa kamay namin na magkasalop ngayon.
"Ikaw, why did you choose Marc over me?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Never nangyari yan sinasabi niya. Sa mga lumipas na taon na hindi kami magkasama siya pa din ang laman ng puso ko. Kahit na minahal na ko ni Marc si Ian pa din ang nasa utak ko. Kahit araw araw na kami nagkikita ni Marc siya pa din ang bukang bibig ko.
"i never did such thing, Ian" i smiled and his eyes widen.
"Pero noon. diba kayo ang magkasama sa bus station?" Umiling ako sakaniya. So all this time maling bagay ang iniisip niya?
"Ako lang ang aalis noong oras na yon Ian, I didnt ran away with Marc, Nagkataon lang na pinipigilan niya kong lumayo at nalaman niyang nandoon ako." Tumango siya at lumalim ang paghinga.
"So all this time,...Mali ang iniisip ko" Malungkot at nagsisisi ang naramdaman ko sa boses niya.
"i should've trust you. Im sorry" He kissed my forehead and smiled.
"Wag na natin intindihin yon'. Basta ngayon malinaw na satin dalawa ang lahat." Kahit masakit na dala ni Nadine ang pangalan ni Ian wala na kong magagawa. Nandyan na yan eh.
Ding doonnnggg!!
Nagkatinginan kami ni Ian ng marinig ang door bell. Nagmadali kaming inayos ang sarili. Si Ian na ang nagbukas ng pinto at ako naman inayos ang kama ko.
"Your cousin is here. Aalis pala kayo?" Nakasandal siya sa corner ng pintuan at seryosong nakatingin sakin.
"Ayusin mo nang sarili mo at isasama kita. We'll meet my grandparents. " Nanlaki ang mga mata niya at namutla bigla. Luh? bakit..
"Whats wrong?" Nagaalala ako bakit kay ganito ang reaksyon niya?? bumilis ang tibok ng puso ko at napayuko nalang ako. Maybe he doesn't want to meet them. I think this is a bad idea.
"Hey don't be sad. Kinakabahan lang ako. This is your family were talking about. What if hindi nila ako magustuhan? ilayo ka nila sakin? Hindi ko na ulit kayang mawala ka Serah. " He hugged me and i felt so calm because of his manly scent.
"Whats not to like Ian? Tsaka im old enough hindi na nila ko kaylangan pagsabihan. I can do what ever , when ever and where ever i want" Sagot ko kay Ian. Takot lang pala siya. We heard someone cleared his throat. Nakita naman namin si Kris na naka tingin samin.
"Malelate na tayo Serah" Aniya. Tumango ako at nagpaalam muna kay Ian para makapag ayos na ko.
Iniwan ko silang dalawa sa sala. Ramdam ko ang maiinit nilang tinginan na para bang may kuryente sa mga titignila. Please wag naman kayong magbugbugan. Ayokong magpunta sa dinner ng may black eye silang dalawa.
Naligo ako at sinuot ko ang mint silk dress ko. Medyo labas ang likod nito at above the knee ang haba nito. Sinuot ko din ang wedges kong black at kinulot ang dulo ng buhok ko. Konting natural make up lang ang nilagay ko at tapos na din. Lumabas ako dala dala ang maliit na pouch ko at nakita kong ganon pa din ang titigan nila.
"Lets go?"
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...